PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baywatch actress Pamela Bach dies at 62

Rest in Peace, Pamela Bach.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 7, 2025
American actress Pamela Bach passes away at 62
Pamela Bach, Baywatch and Knight Rider actress, was found dead in her home in Los Angeles, California. She was 62.
PHOTO/S: @pamelabachhasselhoff on Instagram

Trigger Warning: This article includes mention of suicide

Wala nang buhay nang matagpuan sa kanyang bahay ang American actress na si Pamela Bach.

Siya ay 62.

American actress Pamela Bach passes away at 62
Photo/s: @pamelabachhasselhoff on Instagram

Si Pamela ay ex-wife ng American actor na si David Hasselhoff, na nakasama niya sa mga TV series na Knight Rider (1982-1986) at Baywatch (1989-2001).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janno Gibbs details deleted "goodbye" note of dad Ronaldo Valdez

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, noong Miyerkules, March 5, pa sumakabilang buhay si Pamela dahil umano sa suicide.

Sa salaysay ng mga kaanak ni Pamela, dinalaw nila si Pamela sa kanyang bahay sa Los Angeles dahil ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanila.

Noong gabi ng Miyerkules, March 5, nadatnan nilang nakakandado ang bahay ni Pamela at walang lumalabas anuman ang gawin nilang pagtawag.

Dito na raw sila nagdesisyong sirain ang lock ng bahay para makapasok.

Laking gulat daw ng mga ito dahil tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ni Pamela.

Duguan ang aktres dahil sa tama ng baril sa kanyang ulo.

Agad daw tumawag ng paramedics ang mga kaanak ni Pamela sa pag-asang maisasalba pa nila ang aktres, ngunit sa kasamaang palad ay idineklara na itong dead on the spot.

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAVID HASSELHOFF MOURNS EX-WIFE'S PASSING

Ikinagulat ng naulilang pamilya ni Pamela ang trahedyang nangyari sa aktres.

Ayon sa ulat ng TMZ, nahingan nila ng reaksiyon ang dating asawa ni Pamela, ang American actor-singer na si David Hasselhoff, 72.

Sinabi ni David na hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Pamela.

Saad nito, "We are grateful for the outpouring of love and support during this difficult time but we kindly request privacy as we grieve and navigate through this challenging time."

Taong 1989 nang magpakasal si Pamela kay David.

david hasselhoff pamela bach
David Hasselhoff and Pamela Bach
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kanilang pagmamahal ay nagbunga ng dalawang supling—sina Taylor, 34, at Hayley, 32.

Ngunit noong 2006 ay nagdesisyon ang dalawa na mag-divorce.

Dahil sa pananakit o domestic abuse ang sinabi noong dahilan ni Pamela kung bakit siya nagdesisyong makipaghiwalay kay David.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang dalawang anak nina Pamela at David sa pagkamatay ng kanilang ina.

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pamela Bach, Baywatch and Knight Rider actress, was found dead in her home in Los Angeles, California. She was 62.
PHOTO/S: @pamelabachhasselhoff on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results