Nagulat ang mga tagahanga ng controversial Hollywood actor na si Armie Hammer nang ipagtapat nito ang tungkol sa pag-e-explore niya sa kanyang sexuality nang makipag-hook up sa kapwa-lalaki.
Ang rebelasyon na ito ni Armie ay nangyari sa Episode 119 ng The Armie HammerTime Podcast, kunsaan guest niya ang actress-mental health coach na si Dani Druz.

Dito ay bahagya nilang napag-usapan ang matapang na pag-a-out noon ni Dani bilang miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex, asexual or aromatic) community.
Maging ang unang beses na nakipagrelasyon ito sa isang babae.
ARMIE DETAILS hooking up session with a French guy
Matapos ibahagi ni Dani ang kanyang karanasan, ikinuwento naman ni Armie ang naging karanasan niya nang minsan siyang gumamit ng dating app para makipag-date at hook up sa isa ring lalaki.
Naka-match daw niya roon ang isang French guy na kinalaunan ay kinita niya sa isang restaurant.
Pagtatapat ng aktor: "I tried hooking up with a dude one time. It was hilarious.
"I'm at the restaurant and my phone blows up and it's like Grindr and someone else is, like, 'I'm at the same restaurant, do you want a bl*wj*b in the bathroom?'
"I remember I met this dude, handsome, French, you know, the whole thing. And I was, like, 'Okay, this could work. Yeah, let’s try this.'"
Read: Armie Hammer sells favorite truck after cannibalism scandal
Nang magsimula na raw ang kanilang physical intimacy, dito na raw nakaramdam ng kakaiba si Armie.
Saad niya: "I started making out with him, and I just remember being, like, ‘God, beards!' Like, I get why women like it when you shave.
"This thing is f*cking rough. Like, how do I get in there?
"I remember I put my arms around him and I was, like, ‘Oh my God and these shoulders are so wide. He’s so big, like he’s almost my height, this is so strange.'"
Bago pa man mapunta sa kung ano, agad na raw huminto si Armie.
"And it did physically, for me, absolutely nothing. Not even a twitch.
"I remember, like, we were, like, making out, and it was kinda getting hotter and heavier.
"But I was, like, going through the motions...he reached for my d*ck, and I was, like, 'You're not gonna touch my flaccid penis. This is not gonna happen. I'm sorry.'"
Tingin daw ni Armie, dala lang ng curiosity tungkol sa paniniwala niyang "women are the worst and gay dudes seem to have it so easy" kaya siya nakipag-hook up sa kapwa niya lalaki.
ARMIE'S PAST CONTROVERSY
Si Armie ay dating in-demand leading man sa Hollywood.
Ilan sa mga pelikula niya ay ang The Lone Ranger (2013), The Man from U.N.C.L.E. (2015), Mirror Mirror (2015), Mine (2016), Call Me By Your Name (2017), Wounds (2019), at Hotel Mumbai (2019).
Read: John Lloyd Cruz competing against Hollywood actors Willem Dafoe, Armie Hammer in 15th ICS
Ngunit noong 2021, naglaho na parang bula ang tagumpay at kasikatan ni Armie matapos masangkot sa kontrobersiya dahil sa umano'y pananakit at seksuwal na pang-aabuso sa kanyang mga naging kasintahan, kabilang na ang ex-girlfriend niyang si Effie Angelova.
Isa si Effie sa lumantad para isiwalat ang karumal-dumal umanong pinagdaanan niya sa kamay ni Armie nang maging kasintahan niya ang aktor taong 2017.
Ayon kay Effie, nakaranas siya ng pananakit, panggagahasa, at pang-aabuso mentally at emotionally, sa loob ng halos apat na taon nilang relasyon.
Bagama't kinasuhan ng sexual assault ni Effie si Armie, nabasura ito noong 2023 dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
"Due to the complexity of the relationship and inability to prove a non-consensual, forcible sexual encounter we are unable to prove the case beyond a reasonable doubt,” saad noon ni Los Angeles County District Attorney's Office spokesperson Tiffiny Blacknell.
ARMIE DENIES ALLEGATION THAT HE'S A CANNIBAL
Bukod pa rito, inakusahan din ang Hollywood actor ng cannibalism o pagkain ng laman ng tao.
Ilang babaeng nakarelasyon ni Armie ang noo'y lumutang para isapubliko ang pag-amin daw mismo ng Hollywood actor sa mga ito na siya ay "100 percent a cannibal" at nais niyang kainin ang laman at inumin ang dugo ng mga ito.
Read: Japanese cannibal na pumatay at kumain ng isang Dutch student, pumanaw na
Dahil dito, katakut-takot na batikos ang ipinukol ng publiko kay Armie.
Dito rin nagsimulang malugmok ang aktor nang makansela ang ilan niyang proyekto at endorsements.
Sa panayam kay Armie ng Piers Morgan Uncensored na inilabas sa YouTube noong July 20, 2024, pinabulaanan niya ang paratang na siya ay isang cannibal.
"Are you a cannibal?" diretsahang tanong ng batikang broadcaster na si Piers Morgan.
Mabilis na sagot ni Armie, "No! You know what you have to do to be a cannibal? You have to have actually eaten someone."
Sundot na tanong ni Piers, "Have you ever eaten any human flesh?"
Pagtanggi ni Armie, "No. Never."
