PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride freezes mid-ceremony, suffers panic attack on wedding day

She suffers a panic attack.
by KC Cordero
Published Feb 28, 2025
Photos of the bride
Paalala ni Kelly O’Neill sa mga babaeng ikakasal, kung may pahiwatig ang inyong katawan na ayaw pang magpatali, kahit pa sa mismong wedding day na, mag-isip-isip kung itutuloy pa ang seremonya. (Photos: Screenshot @kellyonxill on TikTok)

Nakaramdam ng matinding kaba si Kelly O’Neill noong mismong araw ng kanyang kasal.

Parang babaligtad ang kanyang sikmura.

Pilit niya itong pinaglabanan.

Ayon kay Kelly sa wedding video na in-upload niya sa TikTok last February 22, 2025, hindi niya inakala na ang mga nararamdaman niyang signs ay isang pahiwatig na ang gagawin niyang pagpapakasal ay isang napakalaking pagkakamali.

Photo of the bride
Ang screenshot ng video ng bride sa mismong araw ng kanyang kasal. Makikitang may pinagdaraanan siya noong mga sandaling iyon. Photo: Screenshot @kellyonxill on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Heto ang overlay text sa video (published as is): “My body literally rejecting him on my WEDDING DAY.

"I SHOULD HAVE RAN."

Nilagyan naman niya ito ng caption na: “Not to mention the hair falling out and dress ripping…”

Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years

BRIDE’S ACCOUNT OF THE WEDDING JITTERS

Twenty-six years old na ngayon si Kelly.

Ang wedding video ay kuha nang ikasal sila ng kanyang high-school sweetheart noong 2018.

Nineteen years old pa lang siya noon.

Divorced na sila ng kanyang naging mister.

Naninirahan siya sa United Kingdom.

The bride when she suffers panic attack
Ramdam na umano ni Kelly noong araw ng kasal niya na ayaw na ng kanyang mismong katawan sa magiging union nila ng kanyang naging mister. Screenshot @kellyonxill on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya sa panayam ng UK news website na Kennedy News and Media, noong araw ng kanyang kasal ay kakaibang tension ang kanyang naramdaman.

Kahit daw ayos na ayos ang kanyang buhok, pagpasok niya ng simbahan, basta na lang iyon bumagsak at nawala sa ayos.

Dagdag pa niya, “The shoulder part of my dress came undone and had to be held together by a pin.”

Read: Twin couples hold joint engagement ceremony

Lalong lumala ang nararamdaman niya nang maglakad patungo sa altar.

“As soon as the doors opened and I walked down the aisle, I felt like I was not in my body.

“I was so disassociated from it all.”

Nag-freeze din siya nung nasa harap na ng paring magkakasal sa kanila ng groom.

Bukod dito, nagsimula siyang umubo nang umubo.

“I was having a panic attack at that moment.”

Read: Newlyweds arrive at reception without catering, decors, coordinator

THE WEDDING PUSHED THROUGH

Dahil bata pa noon si Kelly at bulag siya sa pag-ibig sa kanyang naging mister, natuloy pa rin ang kanilang wedding.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, sinabi ni Kelly na ang mga naramdaman niya noon sa katawan ay senyales na hindi magiging maganda ang marriage nila ng kanyang naging mister.

“There are silly little things now that I look back on and think, ‘These were all little signs.’”

Makalipas ang isang taon, naghiwalay na sila.

The bride and the groom
Tinukoy ni Kelly ang kanyang pagiging young and in love kaya itinuloy pa rin niya ang pagpapakasal kahit may mga nararamdaman ng pagtutol ang kanyang katawan sa nagaganap. Photo: Screenshot @kellyonxill on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, may mga natutunan naman siya sa kanilang paghihiwalay. Mas nakita raw niya nang malinaw at naunawaan ang mga relationship issues nila.

“When I stepped away from it all my blindfold was lifted.

“I watched the video, and I just felt sad for that girl.

“I didn’t recognize her as me. It only came after.”

Hindi na niya binanggit ang mga naging issues sa pagitan nila ng kanyang ex-husband.

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

NETIZENS SAID THE BRIDE SHOULD’VE JUST WALKED AWAY

Matapos ibahagi ni Kelly ang video, nagulat umano siya sa mga naging komento ng netizens.

Ang dahilan niya kaya nai-post iyon ay para alamin kung may makaka-relate sa kanyang naging karanasan.

“But a lot of my comments on TikTok are just saying, ‘You should’ve walked away.’”

Pagbibigay-diin ni Kelly, “But it’s never that black and white.

“I went into the wedding with no expectations of how to feel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And that’s why I found it so hard to draw a line between what I was actually feeling and what I thought I was feeling.”

Read: Woman scammed by fake Brad Pitt online; loses PHP49 million

ADVICE TO BRIDE-to-be: “LISTEN TO YOUR BODY”

Magaan sa pakiramdam ni Kelly na sa kabila ng pinagdaanang internal trauma, hindi siya natatakot sakaling dumating ang panahong ikasal siya ulit.

Hindi rin niya pinagsisihan ang pagpapakasal.

Pero sa susunod, hindi na raw siya magmamadali.

May payo rin siya sa mga babaeng gusto nang magpakasal.

“I’d encourage people to listen to their body if something doesn’t feel right, especially if you’re young.

“You’re going to want to ignore everyone’s advice and think you know everything—but your body knows.”

The TikToker with her new boyfriend
Hindi nagkaroon si Kelly ng phobia sa pagpapakasal, at may bago rin na siyang pag-ibig ngayon. Photo: Screenshot @kellyonxill on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa panibagong relationship na rin ngayon si Kelly, pero hindi pa sila kasal.

Nakilala niya ang bagong boyfriend noong 2021.

Mayroon na rin silang isang anak.

Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalala ni Kelly O’Neill sa mga babaeng ikakasal, kung may pahiwatig ang inyong katawan na ayaw pang magpatali, kahit pa sa mismong wedding day na, mag-isip-isip kung itutuloy pa ang seremonya. (Photos: Screenshot @kellyonxill on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results