Tumataginting na 180 million baht ang halagang ibinayad ng Miss Grand International (MGI) ni Nawat Itsaragrisil sa JKN Global Group para sa franchise ng Miss Universe Thailand.
Ang JKN Global Group ay ang pag-aaring kumpanya ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip, isa sa mga may-ari ng Miss Universe Organization (MUO).
Ayon sa ulat ng Nation Thailand, nakasaad sa ipinasang sulat ng MGI sa The Stock Exchange of Thailand na may karapatan ang kumpanya ni Itsaragrisil na mag-organisa ng Miss Universe Thailand sa loob ng limang taon, mula 2025 hanggang 2029.
Ang 180 million baht ay katumbas ng PHP309,594,054.06 sa palitang 1 baht is equivalent to 1.72 pesos.

Read: Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans
NAWAT ITSARAGRISIL POSTS ABOUT MISS UNIVERSE THAILAND
Noong February 17, 2025, nagpahiwatig si Nawat na nakuha na ng kanyang kumpanya ang franchise ng Miss Universe Thailand.
Sa Instagram, ibinahagi ni Nawat ang mga larawan niya sa tabi ng isang malaking tarpaulin na tila kuha sa contract signing.
Nakasulat sa malaking tarpaulin ang logo ng "MISS UNIVERSE" na kulay ginto.
Sabi ni Nawat sa Instagram caption, "Miss Universe x MGI Org."
Ang post na ito ni Nawat ay ni-repost ng CEO at founder ng Missosology na si Pawee Ventura.
Noong panahong iyon, hindi pa batid kung magkano ang ibinayad ng MGI sa JKN Global Group.
Kaya naman ayon kay Ventura, nakuha raw ni Nawat ang franchise ng Miss Universe Thailand sa "mind-blowing" na license fee.
Buong post ni Ventura: "Shocking news! Nawat Itsaragrisil, owner of Miss Grand International, secures the Miss Universe Thailand license starting this year (for 5 years)!
"And the reported figures of license fee are just mind-blowing, reflecting the significant investment in Miss Universe.
"This development signifies a notable shift in Thailand's beauty pageant landscape, with Nawat’s organization now overseeing both Miss Grand Thailand and Miss Universe Thailand."
Read: Nawat Itsaragrisil secures Miss Universe Thailand franchise
