Pumanaw ang rising Chinese actor na si Liang Youcheng dahil sa hinihinalang komplikasyon dala ng trangkaso.
Ayon sa ulat ng Malaysia-based website na The Star, noon pang January 30, 2025, sumakabilang buhay si Liang sa edad na 27.

Bago pumanaw, sa simula ay nagkaroon lamang daw ng karaniwang sipon si Liang.
Lumala raw ito hanggang sa magkaroon ng impeksiyon ang aktor sa central nervous system na naging sanhi nang biglaan niyang pagkamatay.
LIANG YOUCHENG'S PROJECTS
Si Liang ay isa sa rising young actors sa China.
Nakilala siya dahil sa natatangi niyang pagganap sa mga Chinese drama series na Echo Of Her Voice (2024) at My Heart (2021).
Bago pumanaw, nakatakda sanang bumida si Liang sa upcoming series na It Girl In Tang Dynasty na nakatakdang ilabas ngayong taon.
BARBIE HSU AND LIANG YOUCHENG DEATH CASE
Maraming netizens ang nabahala sa biglaang pagkamatay ni Liang.
Ang dahilan kasi ng kanyang pagpanaw ay hindi nalalayo sa kaso ng Taiwanese actress at Meteor Garden star na si Barbie Hsu.

Read: Barbie Hsu: Remembering the Meteor Garden's leading lady
Binawian ng buhay si Barbie dahil sa influenza-induced pneumonia noong February 2, sa edad na 48.
Read: Sandara Park credits late Barbie Hsu's influence on her career
Nangyari ito habang siya ay nagbabaksyon sa Japan kasama ang kanyang pamilya.
Read: Meteor Garden phenomenon, binalikan sa pagpanaw ni Barbie Hsu
READ MORE:
