Nabatikos ang isang zoo sa China matapos kulayan ng itim at orange ang balahibo ng dalawang asong Chow Chow para magmukhang tigre ang mga ito.
Ang video footage ay naka-upload sa social-media app na Douyin, ang Chinese version ng TikTok, at iniulat ng news website na Daily Mail last January 30, 2025.
Nakakulong ang mga ito sa wooden pens sa Taizhou Zoo sa Jiangsu Province, China.
Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic

Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen
Agad napansin ng netizens na hindi totoong tigre ang mga nasa enclosure.
Tanong ng isa, “Isn’t that just a dog?”
Marami rin ang nagsabing hindi sila maloloko ng zoo dahil malayo ang hitsura ng tigre sa Chow Chow.
“They definitely don’t dare to bathe their dogs for fear of discoloration,” biro ng isang nagkomento.
Sambit naman ng isa pa, “A big tiger with a dog-like temper!”
Read: Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years
ZOO ADMITS TO DYEING CHOW CHOWS’ FUR
Agad namang inamin ng pamunuan ng Taizhou Zoo sa local media na hindi nga mga totoong tiger ang nasa zoo.
Ayon sa representative, kinulayan lang umano ang balahibo ng mga ito bilang gimmick.
Read: DENR sa pagmamaltrato ng 2 vloggers sa mag-inang tarsiers: “Disturbing”

Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
Pasubali pa nito, walang health risks sa mga aso ang ginawang pagda-dye sa fur nila.
“It was a native Chow Chow dyed into a ‘tiger dog,’ not a tiger,” paglilinaw ng zoo representative.
Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation
Argumento pa ng tagapagsalita, kahit naman daw ang mga tao ay nagkukulay ng buhok—kaya anong masama kung kulayan ang balahibo ng aso?
Dugtong niya, “Natural dye can be used on dogs if they have long fur.”
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians
ZOO IN CHINA ALSO PAINTS DOGS TO LOOK LIKE PANDAS
Hindi ito ang unang pagkakataon na may zoo sa China na pinintahan ang balahibo ng aso para palabasing ibang hayop.
Noong isang taon, naging gimmick naman ng Shanwei Zoo na pagmukhaing panda ang mga aso roon.
Read: Zoo in China paints dogs to look like pandas
Nang tanungin kung bakit, ang naging sagot ng pamunuan ng Shanwei Zoo: “There are no panda bears at the zoo, and we wanted to do this as a result.”
Nabatikos din nang todo ang naturang zoo, at nag-demand ang mga naging visitors na i-refund nito ang kanilang ibinayad.
Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda
