Viral ang isang video kunsaan pinigilan ng nanay ang kasal ng bride na kanyang anak.
Bakit? Lasing kasi ang groom.
Ang kuwento ay nailathala recently sa ilang websites.
Ang kasal ay nangyari sa Bengaluru, India.
Napansin umanong nakainom ang groom at nagpakita ng di magandang asal sa kalagitnaan ng seremonya. Naghagis daw ito ng mga gamit.
Nagdesisyon ang ina ng bride na itigil ang kasal.
Ito ang parte ng video na nag-viral.
Base sa kilos ng ina, makikitang napaka-apologetic nito habang kinakausap ang mga bisita.
Mula sa gilid ay lumabas ang groom. Mapapansin na distressed ito.
Habang nagsasalita ang ina ng bride sa harap ng mga bisita, makikitang nakikiusap ang groom.
Subalit mahihinuhang hindi nagpatinag ang ina.
Bahagya ring naging intense ang kanilang sagutan habang nasa harap pa rin ng mga saksi sa mga pangyayari.
Bandang huli ay tumalikod na ang ina at tila'y humingi ng paumanhin sa mga katabi nito.

Read: Woman marries ex-BF who suffers amnesia, forgets about breakup
NETIZENS REACT TO THE MOM'S DECISION
Batay sa reaksiyon ng netizens, kinatigan nila ang reaksiyon ng ina ng bride.
Komento ng isang netizen: “It’s not just that he gets drunk; it reveals his irresponsibility and serves as a major red flag.
“If he can act in such a careless way without considering the impact on others, imagine what he might do when isolated with their daughter. The fear of a dark future for her led them to take action.”

Saad ng isa pa, “So proud of you, Aunty. Every girl deserves a mother who stands firm like this.
“If he can’t behave properly at the wedding, there’s no hope for improvement afterward.”
Ang malaman pang sabi ng netizen, “In our society, this is exactly what girls should be taught—to recognize their worth and refuse to tolerate disrespect.”

May isa ring netizen na nag-translate ng bahagi ng pahayag ng ina ng bride.
Komento ng netizen: “She said I don’t want you marrying my daughter and we don’t want you in our family!”
Sinundan ito ng hands clapping emoji.

Read: South Korea district offers P2.9M to couples who will get married
VIDEO ALLEGEDLY WENT VIRAL A YEAR AGO
Samantala, isa namang netizen ang nagsabing ang video ay nag-viral isang taon na ang nakalilipas.
Kuwestiyon ng netizen, bakit pinapa-viral ulit ito?
Sagot naman ng iba, dapat daw ay paulit-ulit na mag-viral ang video dahil mayroong matututunan dito.
Katuwiran ng isang netizen (published as is): “to motivate more parents to stand up for their daughters”

Sumagot muli ang netizen na kumuwestiyon kung bakit ni-repost ang lumang video.
Maganda man daw ang intensiyon, maaari namang maapektuhan ang pribadong buhay ng mga involved.

Pero pagtatanggol ng isa pa, hindi sila raw siya concerned na ma-expose ang groom.
Ipinagdiriwang daw nila ang ginawa ng ina para sa kanyang anak.
“We are here to applaud and I hope this reel goes viral over and over as a reminder to future incident as this”

