Hindi madali ang kinakaharap ng maraming residente ng Los Angeles, California ngayong linggo dahil sa wildfires na patuloy pa ring kumukunsumo sa mga kabahayan sa nasabing rehiyon.
Ayon sa latest updates ng foreign press, 10 na ang namatay at libu-libo na ang mga tahanang kinain ng apoy.
Hindi pa alam ng awtoridad ang dahilan ng sunog, na nagsimula noong January 6, 2025.
Kasama sa mga naapektuhan ang ilang mga Hollywood celebrities na naninirahan sa lugar.
Read: Hollywood sign, hindi totoong natupok ng wildfire sa Los Angeles
PARIS HILTON
Kasama na rito si Paris Hilton, na nasunugan ng beachfront property sa Malibu.
“Heartbroken” daw ang dating reality show star nang mapanood sa balita ang pagkasunog ng kanyang bahay.
Tinatayang $8.4 million ang halaga ng nasirang bahay ni Paris.

BEYONCE'S MOM
Nawalan din ng bahay sa Malibu si Tina Knowles, na ina ni Beyoncé.
“It was my favorite place, my sanctuary, my sacred Happy Place. Now it is gone,” saad ni Tina sa Instagram.
HEIDI MONTAG AND SPENCER PRATT
Nasunog naman ang family home ng reality show stars na sina Heidi Montag at Spencer Pratt.
Sinubukang apulahin ng The Hills couple ang apoy bago piniling mag-evacuate kasama ang kanilang mga anak.

ANNA FARIS
Nawalan din ng tahanan ang aktres na si Anna Faris.
Safe at unharmed ang Scary Movie star at ang kaniyang pamilya, kahit na tuluyang kinain ng apoy ang kanyang 4.9 million dollar mansion sa Pacific Palisades.
MILES TELLER
Nasunugan din ng bahay sa Pacific Palisades si Miles Teller.
Dream home umano ng Whiplash star ang nasirang 7.5 million dollar mansion.
MILO VENTIMIGLIA
Naluluha naman si Milo Ventimiglia ng makapanayam ng CBS Evening News noong January 9.
“You start thinking about all the memories and the different parts of the house and whatnot and then you see your neighbors’ houses and everything around and your heart just breaks,” saad ng bida ng This is Us at Heroes.
Buntis ang asawa ni Milo na si Jarah Mariano, at malapit na itong manganak.
MANDY MOORE
Nasunog din ang bahay ni Mandy Moore sa Altadena.
Nagpasalamat ang singer, na gumanap na asawa ni Milo sa This is Us, sa mga nagpaabot ng tulong sa kanyang pamilya.

TARAN KILLAM AND COLBIE SMULDERS
Apektado rin ang celebrity couple na sina Taran Killam at Cobie Smulders.
Ayon sa New York Post, nasunog ang five-bedroom property ng Saturday Night Live alumnus at How I Met Your Mother star.
JHENE AIKO
Nagluluksa naman si Jhene Aiko dahil sa pagkasira ng kanyang family home sa Palisades.
“My heart is so heavy,” saad ng post ng R&B singer at movie star sa Instagram.

BILLY CRYSTAL
Malungkot din si Billy Crystal sa pagkasunog ng kanyang bahay, na tinirahan niya sa loob ng 46 years.
Heartbroken daw ang When Harry Met Sally star, ayon sa kanyang statement na nilathala ng The Independent.
“Every inch of our house was filled with love. Beautiful memories that can’t be taken away.
"We are heartbroken, of course, but with the love of our children and friends, we will get through this.”
Read: Bayanihan ng mga Pinoy, buhay na buhay sa Los Angeles wildfire
OTHER HOLLYWOOD STARS
Ilan pa sa nawalan ng mga tahanan ay ang Oscar-winning actor na si Anthony Hopkins, Grammy-winning songwriter na si Diane Warren, talk show host na si Ricki Lake, komedyanteng si Eugene Levy, at aktor na si James Woods.
May mga celebrities din na may bahay sa lugar na nakaligtas sa trahedya.
Ilan sa mga ito sina Fergie, Ben Affleck, Tom Hanks, Michael Keaton, Jamie Lee Curtis at Steven Spielberg.