PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Waiter arrested for allegedly supplying drugs to Liam Payne

Waiter Braian Nahuel Paiz claims he's just being used as a scapegoat.
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2025
braian paiz liam payne
Buenos Aires waiter Braian Nahuel Paiz (left) has been arrested for allegedly supplying illegal drugs to One Direction member Liam Payne (right photo, with Paiz) leading up to the singer's death.
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Sinalakay ng mga miyembro ng Argentine Federal Police ang tahanan ng waiter na si Braian Nahuel Paiz sa Budge, Buenos Aires, noong Biyernes, Enero 3, 2025.

Isinasangkot si Paz sa malagim na pagkamatay ng One Direction member na si Liam Payne.

Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31

Kabilang si Paiz, ang kaibigan ni Payne na si Roger Nores, at ang mga empleyado ng CasaSur Palermo Hotel na sina Ezequeil Pereyre, Gilda Martin, at Esteban Grassi sa mga sinampahan ng mga kasong manslaughter due to negligence at pagbibigay ng illegal na droga na naging sanhi ng kamatayan ni Payne.

Kung mapapatunayang nagkasala, apat hanggang labinlimang taong pagkakakulong ang parusa na ipapataw kay Paiz.

Read: Three more people charged in Liam Payne's death—prosecutor

PAIZ'S TESTIMONY IN COURT

Dinakip si Paiz dahil sa akusasyong siya ang nagbigay ng cocaine kay Payne, ilang araw bago nahulog ang singer mula sa ikatlong palapag ng CasaSur Palermo Hotel noong Oktubre 16, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nakaraang panayam kay Paiz, inamin nito ang dalawang beses na paggamit nila ni Payne ng cocaine at pag-inom ng alak sa kuwarto ng singer sa CasaSur Palermo Hotel.

Pero iginiit niyang hindi siya nagbenta ng ilegal na droga sa pumanaw na mang-aawit.

Sinabi rin ni Paiz na tinanggihan nito ang Rolex watch na ibinibigay ni Payne sa kanya.

Ikinuwento ni Paiz na nakita niya sa kuwarto ni Payne ang mga nagkalat na droga, kahon ng Dove soap, at tin foil.

Read: Liam Payne's friend, two hotel staff under investigation

Sa kanyang pahayag sa korte, inamin ni Paiz na binigyan nito ng droga si Payne at ginawa niya ito para makasama ang mang-aawit at hindi dahil may katumbas na pera.

Pero nabigo si Paiz na kumbinsihin ang hukom at ang prosekusyon na may hawak sa kaso.

Base sa mga nakalap na ebidensiya, tulad ng mga pagsusuri sa pag-uusap at sa video footage, lumitaw na may kapalit na pera ang pagbibigay niya ng cocaine kay Payne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Paiz na ginagamit lamang siya bilang scapegoat sa nangyari kay Payne at mamamatay-tao agad ang trato sa kanya.

Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buenos Aires waiter Braian Nahuel Paiz (left) has been arrested for allegedly supplying illegal drugs to One Direction member Liam Payne (right photo, with Paiz) leading up to the singer's death.
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results