Hindi sinasadya at aksidente lamang umano ang pagpu-post ng Korean actor na si Park Sung Hoon sa explicit parody poster ng hit Korean thriller drama na Squid Game.
Ito ang depensa ng kanyang talent management na BH Entertainment, matapos makatanggap ng kaliwa't kanang batikos ang aktor nang i-post nito sa kanyang Instagram Story ang nasabing parody poster.
Si Sung Hoon ang isa sa cast member ng second season ng Squid Game, kung saan gumaganap siyang transgender woman na si Hyun Jo.
Read: Park Sung-hoon plays transgender woman in Squid Game 2

THE VIRAL INSTAGRAM STORY OF PARK SUNG HOON
Noong Lunes, December 30, 2024, nagulat ang netizens nang i-upload ni Sung Hoon sa kanyang Instagram Story ang Japanese porn photos na ginagaya ang sikat nilang serye sa Korea.
Sa poster na ito makikita ang ilang kababaihan sa Japan, kabilang na ang Japanese porn star na si Misono Waka na naka-bra lamang.
Read: Squid Game actor Oh Yeong-su found guilty of sexual misconduct
May iba pang kababaihan sa likod ni Misono na nakikipagtalik sa mga kalalakihang kapwa nila players na nakasuot ng kulay berdeng jacket.
Habang ang mga lalaking bantay na nakasuot ng pula at itim na jacket at nakatago ang mga mukha ay pinagmamasdan sila.
Sa isang pang poster, makikita naman ang mga nakahubo't huhad na mga babae.
NETIZENS' REACTION
Bagamat agad itong binura ni Sung Hoon sa kanyang IG Story, marami sa netizens ang nakapag-screenshot nito, dahilan para mag-viral ang aktor sa X (dating Twitter).
Marami ang hindi natuwa at nabastusan sa ginawa ng aktor.
Read: Squid Game: The Challenge patok sa Netflix subscribers
May iba ring nangamba na baka makaapekto ang pag-upload ni Sung Hoon sa magandang performance ng Squid Game 2, na kasalukuyang umeere sa Netflix.
Read: Netflix announces Squid Game renewed for second season
PARK SUNG HOON apologizes for uploading lewd PHOTOS on Instagram
Makaraang makatanggap ng batikos online, minarapat ng talent management na kinabibilangan ni Sung Hoon na mag-isyu ng statement.
Noong December 31, naglabas ng pahayag ang BH Entertainment para depensahan ang aktor sa anila'y hindi nito sinasadyang pagpu-post.
Ayon sa BH Entertainment, mula sa direct message ang explicit poster na na-ipost ni Sung Hoon.
Noong araw raw na iyon ay bumuhos ang mga mensahe sa aktor kaya't sa pagkalito at pagkaaligaga ay nai-post nito ang hindi naman dapat i-post.
Saad ng BH Entertainment (ayon sa ulat ng Allkpop): "Park Sung Hoon received an overwhelming number of direct messages (DMs) on his social media.
"While checking the DMs, he accidentally uploaded the image.
"Actor Park Sung Hoon said yesterday, 'It was uploaded due to a mistake while checking the DMs,' but we would like to explain in more detail."
Ang totoo raw ay may nag-send via private message kay Sung Hoon ng posters, at maging ang aktor daw ay nabigla.
Dito na raw nagdesisyon ang aktor na i-save ito para maipadala sa kanyang manager at team, ngunit nai-upload niya ito imbes na i-save lamang.
Pahayag ng kanyang management, "I think he decided to send it because he thought it would be a problem that such strange things were floating around about his work."
Sa huli, ipinarating ng BH Entertainment sa publiko ang paghingi ng paumanhin ni Sung Hoon sa lahat ng naapektuhan sa kanyang ginawa.
Anila, "He is deeply sorry for making such a mistake in these circumstances and promises to be especially careful to ensure it doesn’t happen again."
