Walang katotohanan ang lumabas na haka-hakang may relasyon ang K-pop stars na sina Winter, 23, at Jungwon, 20.
Si Winter ay mula sa K-pop girl group na aespa, habang si Jungwon ay miyembro ng all-male group na ENHYPEN.
Read: ENHYPEN ready to show love for Pinoy fans at fun meet tonight
Noong Martes, December 10, 2024, mainit na pinag-usapan na may relasyon umano ang dalawa nang may isang netizen ang mag-post online.
Laman ng post ng netizen ang pagkakakita umano niya kina Winter at Jungwon na magkasama sa isang whisky bar sa Cheongdam, Seoul, South Korea.
Para patunayan ito, ipinost pa ng netizen ang mga litratong kuha niya sa loob ng bar kunsaan naroroon daw noong mga oras na iyon ang dalawang K-pop stars.
Dahil dito, mabilis na kumalat ang espekulasyong sina Winter at Jungwon ay pribadong nagkikita dahil umano sa lihim nilang relasyon.
Read: aespa member Karina and actor Lee Jae Wook confirm breakup
WINTER AND JUNGWON AGENCY DENY DATING RUMORS
Mabilis naman itong itinanggi ng kinabibilangang talent management nina Winter at Jungwon.
Nitong Miyerkules, December 11, magkasunod na naglabas ng pahayag ang talent management ng aespa na SM Entertainment at ENHYPEN na Belift Lab para pabulaanang may lihim na relasyon ang kanilang mga talent.
Read: Critics call Bella Poarch "zionist" following collaboration announcement with ENHYPEN
Ayon sa SM Entertainment, may masamang pakay ang netizen na nagpakalat ng tungkol sa umano'y lihim na relasyon nina Winter at Jungwon.

Pahayag ng SM Entertainment (ayon sa English translation ng Soompi.com): "[The rumors] are groundless. The person who circulated the photo contacted a media outlet with the intention of monetary gain, attempting to communicate with us directly.
"However, when the outlet refused by saying that they cannot help contact [us] for reports with the purpose of monetary gain, they seemed to have maliciously circulated [the photo].
"We will be taking legal action."
Read: Enhypen fans call out NAIA staff over "unprofessional" security check
Bagay na sinang-ayunan naman ng Belift Lab.

Sa kanilang statement, siniguro nilang hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga ganitong paninira kaya naman gagawin nila ang lahat para mapanagot ang nagpakalat nito.
Saad nila, "The dating rumors are not true.
"BELIFT LAB will take strong action against any acts that infringe on the privacy of our artists or create or spread malicious rumors."
