PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japanese actress Miho Nakayama found dead at 54

Miho Nakayama was best known for her 1995 movie Love Letter.
Published Dec 8, 2024
miho nakayama dead
Japanese actress Miho Nakayama, who rose to fame in the 1995 romantic movie Love Letter (right), was found dead in bathtub of her home in Tokyo, Japan, on December 6, 2024. She was 54.
PHOTO/S: Facebook

Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng Japanese superstar na si Miho Nakayama sa kanyang tahanan sa Tokyo, noong Biyernes, December 6, 2024.

Ayon sa reports, nagtaka ang staff ni Miho nang hindi ito um-attend sa kanyang mga schedule noong araw na iyon kaya’t pinuntahan nila ang bahay nito.

Read: Mercy Sunot, lead vocalist of Aegis, dies of cancer at 48

Natagpuan nila ang aktres na nakaupo sa bathtub na puno ng tubig.

Sinubukan sana siyang isalba ng mga paramedic ngunit unresponsive na ang aktres kaya’t hindi na ito isinugod pa sa ospital.

May Christmas concert dapat ang 54-year-old singer-actress sa Osaka noong araw na iyon.

Dagdag pa ng ilang balita, maaaring namatay si Miho dahil sa pagkakalunod o dahil sa isang karamdaman.

Ayon naman sa Daily Mail, may depresyon umano ang Japanese celebrity, base sa caption ng huli nitong post sa Instagram.

“I was so depressed for a few days that I could only talk to the friend I went with,” saad ni Miho sa social media site.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Korean actor Song Jae Rim dies at 39

MIHO NAKAYAMA'S SHOWBIZ CAREER

Unang nakilala si Miho bilang singer nang i-release niya ang album na C noong August 1985.

Bumenta agad ito ng 90,000 copies, at nag-rank na No. 11 sa Oricon albums chart.

Noong December 1985 naman ay bumida siya sa pelikulang Be-Bop High School.

Naabot niya ang lubos na kasikatan noong 1995 dahil sa pelikulang Love Letter.

Ang romance film na ito ay isa sa mga unang Japanese movies na ipinalabas sa South Korea mula noong natapos ang World War II noong 1945.

Ipinalabas din ang pelikula sa Amerika sa titulong When I Close My Eyes.

miho nakayama love letter
Miho Nakayama in Love Letter
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa Love Letter ay nakilala si Miho sa labas ng Japan, at nanalo siya ng ilang acting awards.

Napangasawa ni Miho ang Japanese musician na si Hitonari Tsuji noong 2002, ngunit nag-divorce sila noong 2014.

May isa silang anak na lalaki.

Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Japanese actress Miho Nakayama, who rose to fame in the 1995 romantic movie Love Letter (right), was found dead in bathtub of her home in Tokyo, Japan, on December 6, 2024. She was 54.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results