Anim na oras matapos ideklara ang emergency matrial law ay binawi ito agad ni South Korea President Yoon Suk Yeol.
Ito ay dahil nangibabaw ang botong 190 sa 300-seat parliament ng South Korea na i-lift ng presidente ang idineklara nitong martial law.
Nagbabala pa ngayon ang opposition, ang Democratic Party of Korea (DPK), na isusulong nila ang impeachment ni Yoon kung hindi ito bababa sa puwesto.
Ang oposisyon ang mayorya ng parliamento na may bilang na 170 sa 300 seats.
Sapat itong bilang para baliktarin ang naging desisyon ni Yoon na magdeklara ng martial law.
Read: South Korea President Yoon Suk Yeol declares martial law
EMERGENCY MARTIAL LAW declared
Ikinagulat ng mga mamamayan ng South Korea ang unannounced declaration ni Yoon gabi ng Martes, December 3, 2024.
Inere ang late-night live broadcast ng isang TV station sa South Korea.
Bahagi ng kanyang pahayag, “The martial law is aimed at eradicating pro-North Korean forces and to protect the constitutional order of freedom.”
Malinaw na pinapatamaan ni Yoon ang oposisyon. Binanggit niya ang 22 impeachment motions laban sa 22 government officials simula nang maupo siya sa puwesto.
Pinuna ni Yoon ang oposisyon dahil sa mga ginawa nilang hakbang pagdating sa impeachment motions at malaking pagtapyas sa budget bills.
