Hindi napigilang mapahagulgol sa iyak ni Simon Cowell sa libing ng One Direction member na si Liam Payne.
Isa si Simon sa malalapit na kaibigan ni Liam na naghatid sa huli nitong hantungan.
Bukod pa rito ang pagdating ng mga dating kagrupo ni Liam sa One Direction na sina Harry Styles, Louis Tomlinson, Niall Horan, at Zayn Malik.
Read: One Direction members reunite at Liam Payne's funeral
Inilibing si Liam sa Buckinghamshire, sa may north west ng London sa England, noong November 20, 2024.
SIMON COWELL EMBRACES LIAM PAYNE'S PARENTS
Ayon sa mga naglabasang ulat, kabilang si Simon sa mga dumalo sa libing ni Liam, bagay na tumutugma naman sa viral photos and videos online.
Dito ay makikita si Simon na yakap-yakap ang mga magulang ni Liam na sina Karen at Geoff Payne.
Makikita ring hindi na niya napigilang maging emosyunal.
Kita rin sa video ang pagdamay at pagpapakalma sa kanya ng mga magulang ng namayapang singer.
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death

SIMON COWELL'S CONNECTION WITH LIAM PAYNE
May malalim na koneksiyon at pinagsamahan sina Simon at Liam, kaya't maaaring ganoon na lamang ang paghihinagpis ngayon ni Simon.
Si Liam ay miyembro ng One Direction, ang English-Irish pop boy band na binuo ni Simon noong 2010.
Si Simon ang isa sa mga hurado ng The X Factor UK, ang British music competition na nakatuklas sa talento ni Liam kasama na ang iba nitong kagrupo na sina Harry, Zayn, Louis, at Niall.
Read: Simon Cowell, inuulan ng hate comments sa pagpanaw ni Liam Payne
Noong October 19, ilang araw makaraang pumanaw ni Liam ay nag-post si Simon sa Instagram para alalahanin at bigyang pugay ang pinagsamahan nila ng dating singer.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "You never really know how you feel about someone until a moment like this happens.
"Liam, I am truly devastated. Heartbroken. And I feel empty. And I want you to know how much love and respect I have for you.
"Every tear I have shed is a memory of you.
"This is so difficult to put in words right now. I went outside today, and I thought about so many times we had together."
Bata pa lang si Liam nang makilala siya ni Simon.
Ayon kay Simon, noon hanggang sa araw ng pagkamatay nito ay hindi nagbago si Liam na nakilala niyang isa sa mga totoong tao.
Read: Liam Payne, nag-upload ng photos isang oras bago pumanaw
Labing-apat na taong gulang lamang si Liam nang sumali siya sa The X Factor noong 2008.
Sixteen years old naman siya nang maging miyembro ng One Direction, kunsaan si Simon ang bumuo.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Paglalarawan ni Simon kay Liam (published as is): "I wanted to let you know what I would always say to the thousands of people who would always ask me. What is Liam like? And I would tell them you were kind, funny, sweet, thoughtful, talented, humble, focused. And how much you loved music. And how much love you genuinely had for the fans.
"I had to tell you when you were 14 that this wasn't your time. And we both made a promise that we would meet again. A lot of people would have given up. You didn't.
"You came back and within months the whole world knew Liam. And you never forgot the fans. I watched you spending so much time with people who had wanted to meet vou. You reall cared."
SIMON RECALLS LAST MOMENTS WITH LIAM
Inalala at muli ring binalikan ni Simon ang mga huling sandaling kasama niya si Liam.
Kita at ramdam daw noon ni Simon kung gaano ka-proud si Liam na ikuwento sa kanya ang mga karanasan niya bilang first-time dad ni Bear Grey, 7, ang anak niya sa singer na si Cheryl Cole na dating miyembro ng pop girl group na Girls Aloud.
Pagbabalik-tanaw ni Simon: "You came to see me last year. Not for a meeting. Just to sit and talk. And we reminisced about all of the fun times we had together. And how proud you were to be a Dad.
"After you left, I was reminded that you were still the sweet, kind boy I met all of those years ago.
"I have met your son, Bear. He has your smile and that twinkle in his eyes you have.
And he will be so proud of everything you achieved. And how you achieved it."
Read: Liam Payne set to leave billions of assets to 7-year-old son
Sa huli, sinabi ni Simon na mananatili sa alaala niya si Liam kasama ang apat pa nitong dating kagrupo na sina Harry, Zayn, Louis, at Niall na nauna nang nagpahayag ng kanilang pagdadalhati kay Liam.
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
Ani Simon: "I always thought of the 5 of you in the band as brothers. And reading their messages today I believe you were.
"And now Liam, I can see the effect you had on so many people. Because you left us too soon.
"Rest in peace my friend. And I am sending my love, thoughts and prayers to your family."
Read: Simon Cowell remembers late One Direction member Liam Payne
LIAM PAYNE'S TRAGIC DEATH
Pinag-usapan ng buong mundo ang biglaang pagpanaw ni Liam noong October 16, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng kanyang tinutuluyang hotel room, na nasa ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.
Siya ay 31.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Base sa mga naunang report, aksidente ang pagkahulog ni Liam at walang katotohanan ang haka-hakang sinadya niyang tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Hindi man sinadya, napag-alaman namang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.
Read: Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.
Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam.
Pahiwatig itong hindi iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.
Read: Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues
Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.
Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report
Maliban sa autopsy at ilang tests, iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang mga huling taong nakasama at nakausap ni Liam bago siya mamatay.
Tatlong katao na ang tinukoy ng pulisya. Isa na rito ang "friend" ni Liam, at dalawang empleyado ng hotel kunsaan binawian ng buhay ang singer.
Ang mga ito ang itinuturong nag-supply at nag-abot ng droga sa singer bago ito binawian ng buhay.
Dahil dito, agad ni-raid ng pulisya ang mga bahay ng itinuturong "friend" ni Liam at locker ng dalawang empleyado.
Read: Liam Payne's friend, two hotel staff under investigation
Matapos ang pag-raid sa kani-kanilang bahay at locker, nagsalita na ang isa sa tatlong suspek para linawing wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng singer.
Ito ay ang hotel staff at waiter na si Braian Nahuel Paiz.
Read: Liam Payne's "dealer" suspect denies supplying drugs to singer
