Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang former One Direction member na si Liam Payne.
Inilibing si Liam sa Buckinghamshire, sa may north west ng London sa England, nitong Miyerkules ng umaga, November 20, 2024.
Naging emosyunal ang mga huling sandali ni Liam.
Bukod sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans, dumalo rin sa kanyang funeral ang mga dati niyang kabanda sa One Direction na sina Harry Styles, Louis Tomlinson, Niall Horan, at Zayn Malik.
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
Ang muling pagsasama-sama nina Harry, Louis, Niall, at Zayn sa libing ni Liam ang unang beses na nagkita-kita sila siyam na taon matapos mabuwag ang kanilang banda noong 2015.
Read: Fan's way of grieving over Liam Payne’s death sparks controversy
Taong 2010 nang mabuo ang One Direction nang sumali sila sa British music competition na The X Factor UK.
Read: Simon Cowell remembers late One Direction member Liam Payne
LIAM PAYNE'S TRAGIC DEATH
Pinag-usapan ng buong mundo ang biglaang pagpanaw ni Liam noong October 16, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng kanyang tinutuluyang hotel room, na nasa ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.
Siya ay 31.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Base sa mga naunang report, aksidente ang pagkahulog ni Liam at walang katotohanan ang haka-hakang sinadya niyang tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Hindi man sinadya, napag-alaman namang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.
Read: Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.

Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam.
Pahiwatig itong hindi iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.
Read: Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues
Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.
Natukoy na pink cocaine, na naglalaman ng "methamphetamine, ketamine, and MDMA," ang in-injest ni Liam.
Nakalista rin ang crack cocaine at benzodiazepine.
Read: Liam Payne set to leave billions of assets to 7-year-old son
Ang pink cocaine ay pink powder na naglalaman ng ketamine, methylenedioxymethamphetamine (MDMA), methamphetamine, cocaine, opioids, at pschoactive substances, ayon sa artikulo mula sa The American Journal of Drug and Alcohol Abuse noong nakaraang taon.
Ang ketamine, ayon sa dea.gov ay "dissociative anesthetic" na may hallucinogenic effect.
Ang MDMA ay kilala rin sa tawag na "ecstacy," na ayon sa msdmanuals.com ay nakakadulot ng excitement at disinhibition.
Ang methamphetamine, o shabu, ayon sa nda.nhi.gov, ay highly addictive stimulant na nakakaapekto sa central nervous system.
Ang benzodiazepines, ayon sa clevelandclinic.com, ay medication na nagpapabagal ng activity sa brain at nervous system.
Ang cocaine, ayon sa webmd.com, ay highly addictive drug na nagpapataas ng level ng alertness, attention, at energy ng isang tao.
Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report
SUSPECTS OF LIAM PAYNE'S DEATH
Maliban sa autopsy at ilang tests, iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang mga huling taong nakasama at nakausap ni Liam bago siya mamatay.
Tatlong katao na ang tinukoy ng pulisya. Isa na rito ang "friend" ni Liam, at dalawang empleyado ng hotel kunsaan binawian ng buhay ang singer.
Read: Simon Cowell, inuulan ng hate comments sa pagpanaw ni Liam Payne
Ang mga ito ang itinuturong nag-supply at nag-abot ng droga sa singer bago ito binawian ng buhay.
Dahil dito, agad ni-raid ng pulisya ang mga bahay ng itinuturong "friend" ni Liam at locker ng dalawang empleyado.
Read: Liam Payne's friend, two hotel staff under investigation
Matapos ang pag-raid sa kani-kanilang bahay at locker, nagsalita na ang isa sa tatlong suspek para linawing wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng singer.
Ito ay ang hotel staff at waiter na si Braian Nahuel Paiz.
Sa pagharap ni Paiz sa pulisya at sa media nitong Lunes, November 11, iginiit nitong wala siyang kinalaman sa pagsu-supply ng droga kay Liam.
Read: Liam Payne's "dealer" suspect denies supplying drugs to singer
Nagkita at nagkausap lang daw sila ni Liam para ipakita at iparinig sa kanya ng singer ang bago nitong kantang isinulat.
Pahayag ni Paiz (ayon sa English translation ng The Independent), "The reality is, I didn't supply him with drugs. We exchanged contact details in the restaurant I work in.
"And then we got together and he showed me some of his music that he was yet to release.
"I’ve heard people saying he was taking drugs, but the truth is that when he got to the restaurant where I was working he was already under the effects of drugs and he didn’t actually eat anything."
Read: Pagkahulog ni Liam Payne sa hotel balcony, nakunan ng CCTV
Nang mapasarap daw ang kanilang kuwentuhan, niyaya ni Liam si Paiz na manatili muna saglit sa hotel room nito at samahan siyang humithit ng marijuana at cocaine.
Saad ni Paiz, "We took drugs together, but I never took drugs to him or accepted any money."
Related Stories:
