PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Swedish minister admits having rare bananaphobia

What causes bananaphobia?
by KC Cordero
Published Nov 19, 2024
Photo of Swedish Minister Paulina Brandberg, and bananas
Dahil sa nag-leak na emails ng staff ni Swedish Gender Equality Minister Paulina Brandberg, natuklasan na may malaki siyang takot sa saging. Inamin niyang nag-seek na siya ng professional help para sa kanyang kakaibang phobia. (Photos: @paulinabrandberg on IG, Freepik)

Ibinunyag ng local media outlet na Expressen ng Sweden na may phobia sa saging si Swedish Minister Paulina Brandberg.

Si Brandberg ang gender equality minister ng Sweden.

Natuklasan ng outlet ang matinding takot niya sa saging—o bananaphobia—dahil sa nag-leak na emails.

Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties

Photo of Swedish Minister Paulina Brandberg
Ang larawan ni Swedish Minister Paulina Brandberg. Laman ngayon ng mga balita ang kanyang kakaibang kondisyon na bananaphobia. Photo: @paulinabrandberg on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman experiences “shortest first date ever”

Sa emails ay mababasa ang request ng staff ni Brandberg na huwag maglalagay ng anumang uri ng saging sa kanyang kuwarto at maging sa ibang venues kapag mayroon siyang official visits.

Napag-alaman ding bago siya pumasok sa kuwarto o magpunta sa isang venue ay sinisiyasat munang mabuti ng kanyang staff kung may saging doon.

Noong 2020 ay nag-tweet pa si Brandberg sa X (formerly Twitter) na nagtataglay siya ng "world's weirdest phobia of bananas.”

Ang kanyang tweet ay deleted na ngayon.

Read: Woman experiences “shortest first date ever”

WHAT CAUSES BANANAPHOBIA

Ang pagkakaroon ng isang tao ng bananaphobia ay hindi pangkaraniwan.

Kalimitang nati-trigger ang phobia sa saging kapag nakakakita nito o nakakaamoy.

Nagiging sanhi ito ng anxiety at nausea sa may bananaphobia.

Iniuugnay ang bananaphobia sa negative childhood experiences, gaya ng hindi naging magandang insidente sa saging—posibleng nabulunan nang kumain o nadulas nang matapakan ang balat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

Boy eating banana
Karaniwang nag-uugat ang takot o phobia sa saging sa hindi naging magandang karanasan sa prutas. Photo: Freepik

Read: Boy with autism slapped by Mercedes-Benz owner receives Ford SUV

Ang iba naman ay sadyang ayaw lang ang amoy, lasa, at texture ng prutas na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isyu ni Brandberg, napag-alamang kapag may official visits siya o kaya ay VIP lunch, nagpapadala ang kanyang staff ng email sa hosts para mag-request ng "no bananas."

Binabanggit din ang kanyang "strong allergy" sa saging.

Hindi siya dapat hainan o kahit na pakitaan ng naturang prutas.

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding

MINISTER NAG-SEEK NA NG PROFESSIONAL HELP

Tinugunan naman ng political party na kinabibilangan ni Brandberg ang isyu.

Sa sagot sa local media na nag-expose sa condition ng minister, kinumpirma ng partido na may phobia nga si Brandberg sa saging.

Gayunpaman, isinalarawan ng partido na ang epekto lang nito sa minister ay ang pagkakaroon ng allergy.

Nag-seek na rin umano ng professional help ang minister para ma-address ang kanyang bananaphobia.

Nag-reach out ang malalaking news outlet sa buong mundo kay Brandberg para hingan siya ng komento, pero hindi pa siya naglalabas ng opisyal na pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

Mula nang mag-leak ang emails, naging tampulan ng tukso ang minister maging ng kanyang mga kababayan.

Sa kanyang social-media posts—gaano man kaseryoso ang topic—ay laging may komento na larawan ng saging.

Nakakuha naman si Brandberg ng suporta kay Swedish Prime Minister Ulf Kristersson.

Nagpahayag si Kristersson ng malaking respeto sa mga indibidwal na nabubuhay nang may phobia.

Ayon sa Prime Minister, "It bothers me that a hard-working minister is now almost reduced to a phobia. That she is being ridiculed.

“I think people should rise above that."

Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa nag-leak na emails ng staff ni Swedish Gender Equality Minister Paulina Brandberg, natuklasan na may malaki siyang takot sa saging. Inamin niyang nag-seek na siya ng professional help para sa kanyang kakaibang phobia. (Photos: @paulinabrandberg on IG, Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results