PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford

Ford dealership naawa sa sitwasyon ng pamilya ng bata.
by KC Cordero
Published Nov 15, 2024
Maraming naawa sa batang may autism na sinampal ng may-ari ng luxury car dahil lang hinawakan nito ang emblem ng sasakyan. Binigyan naman ng Airport Marina Ford ang kanyang pamilya ng bagong SUV dahil napag-alamang sa isang lumang truck sila nakatira. (Photos: GoFundMe)

Nag-viral ang isang insidente ng pagsampal ang isang batang may autism dahil lamang hinawakan nito ang isang luxury car.

Kinilala ang batang may autism bilang si Alfredo Morales, 10, na taga-California.

Kita sa video footage, na na-post noong July 2024, na nakaupo sa isang bus bench si Alfredo katabi ang kanyang nakakatandang kapatid na babae.

Biglang umeksena ang isang galit na galit na lalaking nakilalang si Scott Sakajian.

Sinampal nito nang napakalakas si Alfredo.

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding

The slapping incident caught on cam
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Marami ang naawa sa bata, na sinampal ng Mercedes car owner na si Scott Sakajian. Photo: Screenshot at RMG News

Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

Ayon sa mga balita, hinawakan ni Alfredo ang emblem na nasa hood ng Mercedes-Benz sedan ni Scott habang tumatawid sila sa kalsada.

Ang luxury car ay nagkakahalaga ng US$146,000 o PHP8,597,210 ayon sa ulat ng news website na Mail Online.

Bumuwelta raw si Scott at sinundan ang magkapatid sa bus stop. Dito nangyari ang pananakit.

Sinampahan si Scott ng kasong child cruelty and battery.

Read: Diver finds graduation ring lost for 47 years, returns to owner

PAMILYA NG AUTISTIC BOY NAKATIRA SA LUMANG TRUCK

Ang pamilya ni Alfredo ay nakatira sa isang 2010 Ford F-150 na sira at hindi na umaandar.

Mula nang maganap ang pananakit, bumuhos ang suporta para sa pamilya mula sa kanilang local community.

Malaki rin ang naitulong ng rapper na si Swifty Blue, na nag-offer pang ipagawa ang 2010 Ford F-150.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building

The Morales family
Ang pamilya ni Alfredo Morales at ang kanilang sirang sasakyan. Photo: GoFundMe

Read: PHLPost launches ID loaded with discounts and freebies

Noong November 11, dinala ng Airport Marina Ford sa Los Angeles ang sasakyan nina Alfredo para i-repair.

Nasorpresa ang pamilya ng bata nang sabihin ng dealership na bibigyan na lang sila ng brand-new 2023 Ford Explorer, na nagkakahalaga ng US$36,000 o PHP2,119,680.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa general manager ng Airport Marina Ford na si Dan Theroux, sa panayam ng ABC 7, mahal na rin ang aabutin kung kukumpunihin ang lumang sasakyan nina Alfredo.

Kailangan na kasi ng sasakyan ng bagong transmission at makina kaya nagdesisyon ang kumpanyang bigyan sila ng bagong unit.

Read: Why use headphones on public transport?

The SUV
Ang SUV na iniregalo ng Airport Marina Ford sa pamilya ni Alfredo Morales. Photo: Airport Marina Ford
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Australia to ban social media for children under 16

Ayon pa kay Dan, “If there's a child involved in a situation like that, and the condition of living in the other vehicle, and trying to survive out of that, and then that vehicle being as bad as it was, it was just the right thing to do.”

Ang bagong SUV ay may kasamang Gold Certified warranty.

Maaari itong dalhin ng pamilya ni Alfredo sa alinmang Ford dealership para sa libreng maintenance.

Read: LRT-1 Cavite extension Phase 1 operations to start this November

SUPORTA SA PAMILYA NG AUTISTIC BOY, BUMUHOS

Bukod sa bagong SUV, mayroon ding inilunsad na GoFundMe campaign para sa pamilya ni Alfredo.

Ito ang mababasa sa fundraiser's page: “Alfredo was the victim of a grown man slapping him at the bus stop.

“He has severe autism and his family is in desperate need of help. Any help would be greatly appreciated by them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They are currently homeless, and any help will hopefully help them get into some housing.”

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Ang initial target ng campaign ay makakolekta ng US$10,000 o PHP588,800.

Sa kasalukuyan, ang campaign ay nakalikom na ng US$98,285 o PHP5,787,020.80.

Sa ipinakitang kabutihan ng kanilang komunidad, labis-labis ang pasasalamat ng ama ni Alfredo na si Miguel.

Ani Miguel, walang sapat na salita para mapasalamatan ang mga tumulong at patuloy na tumutulong sa kanila.

Kasalukuyang jobless ang parents ng bata.

Naghahanap sila ngayon ng permanenteng matitirahan.

Umaasa rin ang pamilya ni Alfredo na mabubuksang muli ang kanilang restaurant na nagsara noong August 2023.

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming naawa sa batang may autism na sinampal ng may-ari ng luxury car dahil lang hinawakan nito ang emblem ng sasakyan. Binigyan naman ng Airport Marina Ford ang kanyang pamilya ng bagong SUV dahil napag-alamang sa isang lumang truck sila nakatira. (Photos: GoFundMe)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results