Nagluluksa ang K-drama industry dahil sa biglaang pagpanaw ng sikat na South Korean actor na si Song Jae Rim.
Siya ay 39.
Ayon sa ulat ng soompi.com, kinumpirma ng Seongdong Police Station sa Seoul na natagpuan ang walang buhay na katawan ni Song Jae Rim sa apartment nito sa Seongdong District ngayong Martes, November 12, 2024.
Read: Robert Alejandro, former Art Is-Kool host, passes away at 61
Natagpuan din umano sa kanyang apartment ang two-page letter, na hindi pa inilalabas sa kasalukuyan ang nilalaman.
Hindi pa rin kumpirmado kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Song Jae Rim.
Ngunit ayon sa isang police official, “At this point in the investigation, there are no signs of foul play.”
Read: Korean veteran actress Kim Soo Mi dies at 75
SONG JAE RIM'S ACTING CAREER
Nagsimula ang acting career ni Song Jae Rim noong 2009 sa pamamagitan ng pelikulang Actresses.
Una siyang nagmarka sa publiko dahil sa kanyang roles sa mga K-drama na Flower Boy Ramyun Shop (2011) at sa The Moon Embracing the Sun (2012), na pinagbidahan nina Kim Soo Hyun at Ha Ga In.

Ilan pa sa mga ginawa niyang drama series ay ang The Idle Mermaid (2014), Unkind Ladies (2014), Thumping Spike (2016), Our Gap-soon (2016-2017), Clean With Passion For Now (2018-2019), Not Yet Thirty (2021), at Queen Woo (2024).
