PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years

Netizens: “How can there be such an ungrateful person?”
by KC Cordero
Published Oct 24, 2024
Photos of the ex-couples
Anim na taong inalagaan ni Nurul Syazwani ang mister na naparalisado matapos maaksidente. Nang gumaling ito, nakipag-divorce sa kanya at agad nag-asawa ng iba. (Photos courtesy of Nurul Syazwani)

Sa loob ng anim na taon ay inilagaan ni Nurul Syazwani, isang Malaysian national, ang kanyang mister.

Naging paralisado ang kanyang mister dahil sa isang car accident.

Idinokumento pa niya sa social media account ang ginawa niyang pag-aalaga sa kanyang mister—na hindi na tinukoy ang pangalan.

Araw-araw, pinapakain ni Nurul ang mister sa pamamagitan ng nasogastric tube.

Siya rin ang nagpapalit ng diapers nito at nagpapaligo.

Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”

Photo of ex-husband while still paralyzed
Ang kalagayan ng husband ni Nurul Syazwani noong inaalagaan pa niya ito. Photo: Nurul Syazwani Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years

Dahil sa pagiging dutiful wife ni Nurul sa kanyang mister, nagkaroon siya ng mahigit 32,000 followers sa Facebook.

At nagbunga ang pagiging martir niya dahil makalipas ang mahabang panahon, nakakalakad na muli ang kanyang mister.

Read: Husband impregnates wife after vasectomy

HUSBAND HINIWALAYAN ANG WIFE MATAPOS MAKA-RECOVER

Ikinasal sina Nurul at ang kanyang mister noong 2016.

Bago naaksidente ang lalaki, ang kanilang set-up ay long-distance marriage dahil sa trabaho nito.

Last October 4, 2024, nagulat ang mga followers ni Nurul sa kanyang update sa Facebook.

Ibinahagi niyang hiniwalayan na siya ng kanyang mister.

Hindi lang iyon—nag-asawa ito ng panibago.

Read: Husband arrested for phone stalking his wife

Photo of ex-husband and his new wife
Ang larawan ng ex-husband ni Nurul Syazwani nang ikasal ito sa bagong misis. Deleted na ang larawang ito sa Facebook account ni Nurul. Photo: Nurul Syazwani Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married

Ani Nurul sa kanyang Facebook post: “Congratulations to my husband.

“I hope you are happy with the one you chose.”

Habilin pa niya sa babaeng ipinagpalit sa kanya ng mister, “Aifa Aizam, please take good care of him like I did.

“I am done with him, now it is your turn to take over.”

Deleted na sa ngayon ang post.

Read: May love life ba si Lorna Tolentino? “Saging lang ang may puso.”

NETIZENS SHOCKED SA GINAWA NG HUSBAND

Iniulat ng Malaysian local media na ang divorce ni Nurul at ng kanyang mister ay na-finalize noong October 6.

Gayun na lang ang shock ng kanyang followers at iba pang sumubaybay sa kanyang istorya ng pagiging martir na misis.

Hindi makapaniwala ang mga ito na matapos ang anim na taong pag-aalaga sa mister ay basta-basta na lang hihiwalayan matapos maka-recover.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mas masakit: nag-asawang muli si mister.

Read: Kaladkaren teases Luke Wrightson during exchange of wedding vows

WIFE NAG-APOLOGIZE SA HUSBAND

Naglabas si Nurul ng kanyang mga saloobin sa nangyari.

Pagbabahagi niya, noong inaalagaan pa niya ang ex-husband ay takot na takot siya tuwing uubo ito.

“I did rehabilitation for him every day, and my family came to help every day so that I could rest.

“I often bought necessities for my children and husband by myself, which was very stressful.”

Gayunpaman, sa panibagong post noong October 18, sinabi niyang sa tingin naman niya ay nagampanan na nito ang mga responsibilidad sa kanya at sa kanilang anak na babae.

Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Screenshot of wife's Facebook post
Ang screenshot ng post ni Nurul na nag-apologize sa kanyang ex-husband at sa bagong wife nito. Photo: Nurul Syazwani Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life

Nakiusap siya sa mga nagmamalasakit sa kanya na huwag nang i-harass ang kanyang ex-husband at ang new wife nito.

Nagkasundo na rin umano sila na magkatuwang nilang susuportahan ang pagpapalaki sa kanilang anak.

Ito rin ang dahilan kaya binura na niya ang kanyang naunang post tungkol sa pang-iiwan sa kanya ng mister at pagpapakasal sa iba.

Humingi rin siya ng sorry sa dalawa.

Aniya, “I want to apologize to my ex-husband, his new wife, and their families regarding the viral post on Facebook.

“Everything that happened was my mistake.

“Everyone is wondering and tagging me on Facebook. So, my posting on Facebook is not aimed at exposing shame or sarcasm but to avoid slander.”

Read: Widower refuses to give deceased wife's branded clothes to sister

NETIZENS NAG-WISH NA MAKA-MOVE ON ANG WIFE

Marami naman sa followers ni Nurul ang hindi sang-ayon sa kanyang ginawang pagtanggap sa sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang nagkomento, hindi siya naniniwalang nagampanan ng ex-husband ni Nurul ang mga responsibilidad nito dahil mahabang panahong alagain ito.

May mga hindi naman makapaniwala sa ginawa ng lalaki.

Tanong ng mga ito: “How can there be such an ungrateful person?”

Sabi pa ng ibang netizens, walang puso ang ex-husband lalo pa at nagawa nitong mag-asawa agad ng panibago isang linggo matapos ang divorce.

May mga pumuri kay Nurul sa kanyang pagiging mapagpakumbaba sa kabila ng ginawa sa kanya.

Time to move on, ayon sa mga ito.

Naniniwala ang marami na mabibiyaan ang kanyang kabutihan—at makakakita siya ng lalaking susuklian ng katapatan ang kanyang wagas na pagmamahal.

Read: 95-year-old groom weds 90-year-old bride

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anim na taong inalagaan ni Nurul Syazwani ang mister na naparalisado matapos maaksidente. Nang gumaling ito, nakipag-divorce sa kanya at agad nag-asawa ng iba. (Photos courtesy of Nurul Syazwani)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results