Nagluluksa ngayon ang mga tagahanga, malalapit na kaibigan, at mga nakatrabaho ng dating One Direction member na si Liam Payne dahil sa biglaang pagpanaw nito.
Sumakabilang buhay si Liam, sa edad na 31, nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 16, 2024 (Huwebes ng madaling-araw, Oktubre 17, 2024, sa Pilipinas).
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Ayon sa mga naunang ulat, nahulog si Liam mula sa ikatlong palapag ng CasaSur, ang hotel na kanyang tinutuluyan sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.
Idineklara siyang dead on the spot dahil sa tindi ng natamo niyang injuries.
Hindi pa tukoy kung sinadya o aksidente ang pagkahulog ng singer ngunit sa mga lumabas na ulat ng mga pahayagan sa Buenos Aires, sinasabing bago naganap ang malagim na pagpanaw ni Liam, nakatanggap ng tawag ang 911 mula sa empleyado ng hotel.
Inireklamo ng empleyado ang isang lalaking tila lasing o nasa impluwensiya umano ng ipinagbabawal na gamot na nagwawala sa lobby, inihampas ang laptop na dala at kinailangang buhatin pabalik sa kuwarto niya.
Read: Liam Payne, nag-upload ng photos isang oras bago pumanaw
CELEBRITIES, MUSICIANS PAY TRIBUTE TO LIAM PAYNE
Dahil sa nangyaring trahedya, maraming fans, malalapit na kaibigan, at mga nakatrabaho ang hindi pa rin makapaniwala sa pagkawala ni Liam.
Isa sa nagluluksa ngayon ang singer-songwriter na si Charlie Puth.
Bilang pag-alala, nag-post si Charlie ng litrato niyang kasama ni Liam.
Maging sa kanyang Instagram Stories, inalala ni Charlie ang nabuo nilang pagkakaibigan noon ni Liam nang mag-collabrate sila sa single na "Bedroom Floor" noong 2017.
Saad ni Charlie, "I am in shock right now. Liam was always so kind to me. He was one of the first major artists I got to work with. I can not believe he is gone...

"I am upset right now, may he rest in peace."

Katulad ni Charlie, lungkot at pagkabigla rin ang naramdaman ng '90s boy band na Backstreet Boys sa pagkamatay ni Liam.
Mababasa sa kanilang Instagram Story (published as is): "WORDS CAN NIT EXPRESS THE EMOTIONS WE ARE COLLECTIVELY FEELING RIGHT NOW. AND IT SEEMS LIKE THE REST OF THE WORLD IS IN THE SAME BOAT.
"OUR HEART GO OUT TO LIAM'S FAMILY, FRIENDS, AND DIRECTIONERS AROUND THE WORLD.
"REST IN PEACE BROTHER."

Maging ang American music producer na si Zedd na nakatrabaho ni Liam noong 2017 sa kantang "Get Low" ay nagbigay-pugay rin sa alaalang naiwan ng dating One Direction member.
Tweet niya sa X, "RIP Liam… I can’t believe this is real… absolutely heartbreaking …
"Life is short and fragile… You never know what people are going through. We live in times where being rude, divisive and mean is normal; sometimes even celebrated. It doesn’t have to be this way. We should do our best to be kind, supportive and mindful."
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Liam ang TV personality na si Paris Hilton at American rapper-songwriter na si Juicy J.
Tweet ni Paris, "So upsetting to hear the news of @LiamPayne passing Sending love and condolences to his family & loved ones. RIP my friend."
Tweet naman ni Juicy J, "R.I.P. Liam Payne wow I can't believe it prayers up for the family."
Ipinagluluksa rin ni Anne Twist, ina ni Harry Styles, ang pagpanaw ng dating kamiyembro ng kanyang anak.
Sa Instagram, nag-post si Anne ng litrato ng broken hearted emoji, kalakip ang caption na: "Just a boy...."
ONE DIRECTION MEMBERS STILL MUM ON LIAM'S DEATH
Samantala, sa likod ng pagluluksa ng ibang nakasama ni Liam, nananatiling tahimik pa ang mga dating miyembro ng One Direction na sina Harry Styles, Louis Tomlinson, Zayn Malik, at Niall Horan.
Read: Niall Horan confirms One Direction break; band 'not splitting up'
Naulila ni Liam ang kanyang seven-year-old son na si Bear Grey, ang anak niya sa singer na si Cheryl Cole na dating miyembro ng pop girl group na Girls Aloud at ang kasalukuyan niyang ngayong nobya na si Kate Cassidy.
