Ipinagluluksa ng manga at anime world ang pagpanaw ng Japanese voice actress na si Nobuyo Oyama.
Noon pang September 29, 2024 sumakabilang buhay si Nobuyo ngunit ngayong Biyernes, October 11, lang napagdesisyunan ng kanyang pamilya na isapuliko ito.
Siya ay 90.
Read: Newlyweds' anime-inspired wedding leaves guests in awe
Ayon sa talent agency ni Nobuyo na Actors 7, dala ng katandaan ang pagpanaw ng sikat na voice actress.
NOBUYO OYAMA, voice actor for Japanese cartoon robotic cat Doraemon
Dahil sa kanyang husay bilang voice actor, si Nobuyo ang napiling bumoses sa iconic character ng cartoon cat robot na si Doraemon.
Tumagal ng mahigit dalawang dekada ang pambuboses niya rito na nagsimula noong 1979.
Taong 2005 nang magretiro si Nobuyo sa pagbibigay-boses sa karakter ni Doraemon.
Nagkaroon si Nobuyo ng matagumpay na career bilang voice actress buhat nang magtapos siya sa Haiyuza Acting School, Tokyo, Japan.
1960 nang magsimula ang karera ni Nobuyo bilang voice actress nang pagbosesan niya ang NHK's puppet show na Boo Foo Woo (1960-1967).
Simula nito ay nagsunud-sunod na ang pagbibigay sa kanya ng proyekto.
Bukod sa Doraemon at Boo Foo Woo, si Nobuyo ang naging boses ng karakter ni Kappei Jin sa robot anime series na Invincible Super Man Zambot 3 (1977-1978) at ni Monokuma sa video game series na Danganronpa (2010-2016).
Noong 2015, isinapubliko ng asawa ni Nobuyo, ang television personality na si Keisuke Sagawa, ang pagkakaroon ng dementia ng voice actress kaya huminto na ito sa pagtatrabaho.
Na-stroke at nagkasakit din si Nobuyo ng colorectal cancer.
Mula noong 2016, nanirahan si Nobuyo sa isang retirement home.
Namatay ang mister niya noong Hulyo 2017 kaya ang longtime manager ng legendary voice actress na si Akiko Kobayashi ang nag-asikaso at nag-alaga sa kanya.
Sa kabila ng paglala ng dementia ni Nobuyo, maayos ang kanyang kalusugan at naging aktibo siya sa pakikihalubilo sa ibang mga residente ng retirement home na nagsilbing tahanan niya bago binawian ng buhay.
DORAEMON FANS MOURN DEATH OF NOBUYO OYAMA
Kasunod ng pagsasapubliko sa pagkamatay ni Nobuyo, marami sa tagahanga ng animé series na Doraemon ang hindi makapaniwala at nagluluksa.
Read: Liza Soberano dazzles in David Koma at 2024 Anime Awards
Tweet ng isang fan sa X (published as is), "Ms. Nobuyo Oyama, we will never forget your voice as Doraemon, the beloved character from Japan’s national anime. It may be a while, but please let me hear that voice again someday. Thank you so much from the bottom of my heart."

Saad pa ng isa, "I’m at a loss for words at the moment Nobuyo Oyama who voiced Doraemon from 1979-2005 has passed away at age 90, this physically hurts me as her voice as Doraemon was always my favorite take on the character and hearing this shocks me. Thank you for everything Nobuyo."

Sabi pa ng isa, "Her iconic voice and portrayal of the lovable blue robot will be remembered fondly by generations to come. She will be greatly missed."

