Fashion trend ngayon ang crop top, at kahit mga lalaki ay isinusuot na rin ito.
Pero kahit na ito ay uso, tila hindi ito akmang suotin sa lahat ng pagkakataon.
Katulad na lamang ng nangyari sa tatlong female passengers na pinababa sa isang eroplano dahil nakasuot sila ng crop top.
Pinababa sila ng isang male flight attendant na halatang di sang-ayon sa pananamit ng tatlong pasaherong babae.
Read: Carlos Yulo crop-top OOTD receives jeers and cheers
Sangkot sa isyu sina Tara Kehidi at Teresa Araujo, dalawang magkaibigan mula sa Southern California sa U.S.
Sakay ng Spirit Airlines, bibiyahe sila mula Los Angeles International Airport papuntang New Orleans noong October 5, 2024.
“We were wearing crop tops like this, it’s like a little bit of stomach showing,” lahad ni Tara sa interview ng ABC7, October 7, 2024.
“And a male flight attendant came up to us and aggressively said, mumbled, ‘Put something on!’ And then walked away.”
Read: Netizens debunk video of landlord evicting a tenant

THREE WOMEN KICKED OFF FLIGHT
Binanggit sa report na nakasuot ng sweaters ang dalawang babae nang sumakay ng eroplano.
Pero tinanggal nila ang mga ito pag-upo sa kanilang seats dahil patay ang air-conditioning sa eroplano bago ito lumipad.
Ang malinaw ay may isyu raw ang flight attendant sa kanilang outfit.
“He was telling both of us to put our sweaters and then we’re like, ‘Oh, is there a dress code? Is there a policy that says we can’t wear crop top on the plane?’” sagot daw ni Tara.
Habang nagkakaroon ng diskusyon sina Tara sa flight attendant, sumali naman sa usapan si Carla Hager, ang female passenger na nakaupo sa harapan nila.
Kinatigan ni Carla ang pahayag ni Tara na mainit sa loob ng eroplano noong mga oras na iyon dahil walang aircon.
“It was very hot, so everybody had their sweaters off,” ani Carla.
Nagbitiw raw ng ganitong pahayag si Carla: “I said, ‘Well, if your body is inappropriate, then so is mine. Because I also have crop top under my sweater.’
“And I took my sweater off.”
Pagpapatuloy pa ni Carla kina Tara at Teresa, “So if they’re kicking you out the flight, then they’re also gonna have to kick me and my toddler off.”
Iyon na nga ang nangyari.
Pinababa sa eroplano sina Tara, Teresa, at si Carla kasama ang kanyang toddler.
Ang masaklap pa rito, wala silang nakuhang refund.
Masama rin ang loob ng mga pinababang pasahero dahil sa naramdaman nilang hiya sa pangyayari.
Sabi ni Teresa, “We were kinda embarrassed as well, because we felt we were being jaded.
“We looked like criminals… everyone on the plane was looking at us.”
Pagsang-ayon ni Tara, “They were treating us, honestly, like criminals. All because we were wearing a crop top on the flight.”
Dahil sa pagkaka-kick off sa eroplano at hindi na-refund, naglabas ng $1,000 (PHP56,900) si Tara at bumili ng bagong tickets sa ibang airline para makalipad.
Binanggit sa report na ilang beses nag-offer ang dalawang babae na magsusuot na sila ng sweater para hindi na sila pababain.
Pero sagot daw ng flight attendant ay, “Too late.”
Pinag-iisipan daw ngayon nina Tara na gumawa ng legal actions laban sa airlines.
Read: Dubai princess who divorced husband on IG launches Divorce scent

AIRLINE REACTS TO ISSUE
Naglabas naman ng reaksiyon ang Spirit Airlines kaugnay ng pangyayari.
Binanggit nila rito na ang ginawa nila ay alinsunod sa kanilang Contract of Carriage.
Sabi ng airline sa ABC7, “Our Contract of Carriage, a document all Guests agree to upon making a reservation with us, includes certain clothing standards for all Guests traveling with us.”
Giit nila, iniimbestigahan nila ang insidente at nakipag-ugnayan na sila sa mga pasahero.
Sa kabilang banda, binanggit din sa report kung ano ang nakasaad sa Contract of Carriage ng airlines.
Sa Conduct/condition na nakasaad sa 4.3 section, sinasabi rito na, “A guest shall not be permitted to board the aircraft or may be required to leave an aircraft if the guest... is barefoot or inadequately clothed, or whose clothing is lewd, obscene, or offensive in nature.”
Dagdag pa, “If a guest is not permitted to board and/or required to leave an aircraft for safety and/or regulatory reasons under paragraph 4.3 and its sub-sections, the guest will not be eligible for a refund.”
