Nang dahil sa dura, na-solve ang murder case na nangyari 36 years ago.
Kaso ito ng isang babaeng tinadtad ng saksak sa kanyang apartment sa Roxbury sa Boston, U.S.A.
Nangyari ito noong 1988 at sa loob ng higit tatlong dekada, hindi nahuli lang salarin.
Ngayog taon, tila malapit nang makamit ang hustisya sa krimeng muntik nang mabaon sa limot.
Paano ito naging posible?
Ang nakitang DNA kasi sa laway ay nag-match sa DNA mula sa mga naiwang ebidensiya ng suspek nang maganap ang krimen noong 1988.
Read: Miss Switzerland finalist strangled, "pureed" in blender

THE MURDER OF A BOSTON WOMAN
Noong May 27, l988, tinawagan sa telepono ng isang ina ang kanyang anak na si Karen Taylor, 25.
Ang sumagot sa telephone ay ang three-year-old daughter ni Karen.
Tinanong ng lola ang kanyang apo kung nasaan ang kanyang ina.
Sagot ng bata, nasa kuwarto ang kanyang nanay, “was sleeping and she could not wake her up,” ayon sa statement ng Suffolk County District Attorney’s Office, ulat ng WHDH.
Pagpapatuloy ng statement, “The mother went to Taylor’s apartment at 37 Williams Street in Roxbury, but was unable to get into the building.”
Dumaan sa likod-bahay ang ina ni Karen at pumasok sa pamamagitan ng bintana ng kuwarto ng kanyang apo.
Sa kuwarto sa first floor ay nakita ng ina ang katawan ni Karen na nakadapa at naliligo sa sariling dugo.
Lumabas sa autopsy na sinaksak si Karen ng 15 beses sa dibdib, ulo, at leeg, ulat ng WCVB.
Read: TikToker gets double life imprisonment for murder of Pinay wife
THE MAN LINKED TO THE MURDER
Ang lalaking suspek sa pagpatay noon kay Karen ay si James Holloman, na ngayon ay 65 years old na.
Nang mangyari ang krimen, natagpuan ng mga pulis malapit sa katawan ng biktima ang isang tseke na nakapangalan kay James.
May nakita ring “scrapings” sa kuko ng biktima, isang duguang sweatshirt malapit sa katawan ng biktima, at upos ng sigarilyo sa banyo.
Gayunpaman, kinulang ng forensic evidence kaya bitin ang pag-link kay James sa pagpaslang kay Karen.
Pero dahil sa nakuhang DNA sa mga ebidensiya, nagawang ma-profile ng mga pulis ang possible killer.
Lumipas ang higit tatlong dekada, nagkaroon ng development ang natulog na kaso.
Sa wakas ay nakakita ng ebidensiya ang mga pulis na nagpatibay na si James nga ang maaaring sumaksak kay Karen.
Noong 2023, dumura sa labas ng kanyang bahay si James. Kinuha ng mga pulis ang laway at in-extract rito ang DNA.
"In 2023, Boston police detectives obtained a sample of the defendant's DNA after observing him spit on the ground outside his house,” hayag ni Assistant District Attorney Lynn Feigenbum.
”This sample was a match to the unknown profile found underneath Miss Taylor’s fingernails.”
Nag-match din ang DNA mula sa laway sa DNA sa nakitang duguang sweatshirt at upos ng sigarilyo, pahayag ng mga pulis sa WCVB report.
Idinetain si James noong September 19, 2024, Huwebes, at nagkaroon ng hearing kinabukasan.
Kinasuhan siya ng first-degree murder, at idinetain without bail.
Nakatakda ang susunod na court hearing sa October 29, 2024.
