Matapos makabili ng sariling bahay mula sa donations ng netizens, isang food truck naman ngayon ang binili ng fast-food worker na si Kevin Ford, now 57.
Balak niyang mag-food business at dalhin sa States ang karelasyong Pilipina.
Taong 2022 nang mag-viral ang video ni Kevin, isang staff worker sa Burger King sa Harry Reid International Airport, Las Vegas, Nevada, USA.
Ipinakita noon ni Kevin ang laman ng goodie bag na ibinigay ng kanyang employer dahil sa kanyang pagiging model employee.
Sa loob ng 27 years, ni minsan ay hindi siya nag-absent.

Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M
Ang laman ng bag ay isang movie ticket, dalawang ballpen, isang pack ng Reese’s chocolate, at isang Starbucks cup.
Naawa ang mga netizens, na ang pakiramdam ay higit pa sa goodie bag ang deserve niya.
Dahil dito, naglakas-loob ang kanyang anak na si Seryna Ford na gumawa ng account sa GoFundMe, isang American crowdfunding service online.
Bumuhos ang financial donations—kabilang na ang $5,000 (PHP281,000) donation mula kay David Spade, isang Hollywood comedian and actor.
Noong January 2024, napaulat na nakabili na si Kevin ng simpleng bahay para sa kanya at sa apat na anak.
Pero tuloy pa rin sa pagtatrabaho sa fast food si Kevin.
At press time, September 17, 2024, ang total amount na natanggap ni Kevin sa GoFundMe ay $465,389 o katumbas ay PHP25.8 million.
Read: Relic jar smashed by a boy restored; back on display in museum
fast-food worker buys NEW FOOD TRUCK
Sa pinakahuling ulat, bumili si Kevin ng isang food truck para magtayo ng negosyo at magretiro na sa pagiging fast-food worker.
Kasama na rin sa food truck ang isang flat-top grill at fryer.
Sabi ni Kevin, balak niyang magsimula ng negosyo para hindi masayang ang tulong na ibinigay sa kanya ng mga tao.
“I wanted to do something to pay back what the world did for me,” ani Kevin sa interview ng People.
“I wanted to not only make money but do something to help the community.”
Wala pang petsa kung kailan bubuksan ni Kevin ang kanyang negosyo, pero balak niyang mag-serve ng American at Filipino food.
Hinihintay niyang ma-approve ang visa ng kanyang Filipina fiancée para makapunta ito sa States.
Saad pa ni Kevin sa interview ng People, “When she gets here, I'm going to also add traditional Filipino food.
“I kind of want to do American versus Filipino type stuff and do some fusions.”
Kahit nasa late 50s na siya, handa siyang magsimula muli at gamitin ang anumang natutunan niya bilang fast-food worker.
Sabi niya, “I'm going to work this day and night. I'm going to study it.
“I'm going to do whatever I can and I'm going to have fun.
“I'm going to put out some good food and I'm going to go for it.”
