Nasentensiyahan ng two consecutive life sentences o habambuhay na pagkakabilanggo ang TikTok personality na si Ali Abulaban, 32, dahil sa pagpatay sa kanyang Filipino wife at sa kaibigan ng huli.
Ang kanyang sentence ay “without the possibility of parole.”
Ayon sa ulat ng People, may karagdagang 50 years na pagkakakulong sa salarin dahil sa gun-enhancement charges.
Si Ali ay tinukoy ng U.S. media bilang dating “TikTok star” na may 940,000 followers sa Tiktok.
Gumagawa siya ng comedy skits at impersonations, partikular sa role ni Al Pacino sa pelikulang Scarface.

Binaril ni Ali ang asawang Pinay na si Ana Abulaban, 28, at ang kaibigan ng biktima na si Rayburn Cardenas Barron, 29, noong October 21, 2021.
Nang lumayas sa kanilang apartment si Ali, nag-install siya ng listening app sa iPad ng kanilang anak na babae ni Ana. Naka-connect ito sa phone ni Ali.
Noong araw ng krimen, narinig ni Ali na may kasamang lalaki si Ana sa kanilang apartment.
Hinala noon ni Ali, may namamagitan sa kanyang estranged wife at kay Barron.


Read: Pinay beauty queen in U.S. indicted for alleged fraud scheme
VERDICT ON TIKTOK PERSONALITY
Binasahan si Ali ng hatol ni Judge Jefrey Fraser ng San Diego Superior Court noong September 6, 2024.
Nagkaroon pa ng eksena sa korte nang magsigawan sina Ali at Hermae Sartin, ang kapatid ng biktima.
Sinabi naman ng prosecutors na ang pagiging controlling at abusive ni Ali ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ana.
Bago basahan ng parusa, nag-sorry muna si Ali dahil sa ginawang krimen.
Aniya, nung naganap ang krimen, he “was in the worst physical and mental state of my life."
May sakit daw siyang “untreated severe mental illness” kasama pa ang pagkakaroon ng “drug addiction.”
Ang nagawa raw niya ay dulot ng “unintended impulsive reaction.”
Pero pahayag ni Judge Fraser, makasarili si Ali, “He’s a very selfish person as I think the jury saw.
“And that was something his character kind of came through, and we ask, ‘Who is Ali Abulaban?’
“That’s who he is. He’s somebody that is only thinking about himself and the idea of killing two innocent people doesn’t deserve him. It’s chilling.
“The bottom line here is he will die in prison. He will never be a free man. He will take his last breath there.”
Nagpalakpakan ang mga taong nasa korte noong ibinaba ang hatol.

Read: Rolex bought for PHP19K in 1975, now worth up to PHP39M
TIKTOKER SHOOTS WIFE IN 2021
Noong Mayo 2024, hinatulan si Abulaban ng guilty sa kasong double first-degree murder.
Ulat ng ABS-CBN News, nagkakilala sina Ali at Ana noong 2014 sa Japan, kung saan nakadestino si Ali as U.S. Air Force member.
Taong 2017 sila ikinasal at tumira sa Virginia bago lumipat sa California.
Isang buwan matapos pumanaw, iniuwi ang mga labi ni Ana sa Pilipinas at inilibing sa hometown niya sa Pampanga.
