Ipinagluluksa ng entertainment world ang pagpanaw ng veteran Hollywood actor na si James Earl Jones.
Binawian ng buhay si Jones sa kanyang tahanan sa Dutchess County, New York, nitong Setyembre 9, 2024.
Siya ay 93.
Hindi inanunsiyo ng kanyang pamilya ang sanhi ng kamatayan ni Jones, pero matagal na siyang may diabetes.
Read: Nicole Kidman mourns mother's passing
THE VOICE BEHIND DARTH VADER AND MUFASA
Si Jones ay hindi lamang magaling na film, television, at stage actor.
Hinahangaan din ito sa pagkakaroon ng baritone voice kaya ang boses niya ang ginamit para sa mga iconic character ni Darth Vader sa Star Wars at Mufasa ng The Lion King.
Noong 2022, nagretiro si Jones sa pagbibigay-buhay sa boses ni Darth Vader.

Pero pumirma siya ng kasunduan sa Respeecher at Lucasfilm bilang katunayan ng kanyang pagpayag na gamitin ng mga nabanggit na kompanya ang archived audio ng boses niya para sa pagkakataong kailangan na muling gamitin ang iconic voice ng sikat na karakter ng Star Wars franchise.
Isinilang si Jones noong Enero 17, 1931, sa Mississippi, kung saan din siya lumaki.
Noong bata pa siya, utal ang kanyang pagsasalita.
Naniwala si Jones na isang sumpa ang kanyang pagkautal dahil sa madalas na panggagaya at panunukso niya sa isang kamag-anak na utal ang pananalita.
Nawala ang pagiging utal ni Jones dahil sa tulong ng kanyang speech teacher at ng poet na si Donald Crouch, na kakontemporaryo ng American poet at Pulitzer Prize winner na si Robert Frost.
Si Crouch ang itinuturing ni Jones na “ama ng kanyang boses.”
Read: Brazilian music legend Sergio Mendes passes away at 83
JONES RETIRED FROM ACTING iN 2021
Nag-umpisa bilang stage actor ang acting career ni Jones noong 1950.
Itinuturing siya bilang isa sa pinakamahusay na Shakespearean actor dahil sa pagganap niya sa King Lear, A Midsummer Night’s Dream, at Othello.
Kabilang naman sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Dr. Strangelove or: How I Stopped Worrying and Love The Bomb (1964), The Great White Hope (1970), Claudine (1974), Exorcist II: THe Heretic (1977), Conan The Barbarian (1982), Allan Quatermain and the Lost City of Gold (1986), Coming To America (1988), Field of Dreams (1989), The Hunt for Red October (1990), Patriot Games (1992), at Clear and Present Danger (1994), Cry, The Beloved Country (1995).
Gaya ng nabanggit, iconic din ang paggamit ng kanyang boses sa Star Wars franchise at sa animated film na The Lion King.
Tatlong beses pinarangalan si Jones sa Tony Awards, dalawa sa Emmy Awards, at isang Grammy award dahil sa kanyang talento sa pag-arte.
Noong 2021,nagretiro si Jones mula sa pag-arte matapos muling gampanan ang papel ni King Jaffe Joffer sa pelikula na Coming 2 America.
Read: Angelica Panganiban's mother Annabelle passes away at 61