Nag-viral muli ang Olympic female gymnast na si Zhou Yaqin, 18, matapos kumalat ang videos niya habang tumutulong sa restaurant ng kanyang nanay at tatay.
Malayung-malayo ang eksenang ito sa grand welcome ng Pilipinas para sa two-time gold medalist na si Carlos Yulo at 16 pang fellow athletes pagbalik sa Pilipinas matapos lumahok sa Paris Olympics 2024.
Sa airport pa lamang ay mainit na salubong ang binigay sa Filipino athletes.
Nakadaupang-palad pa nila ang Pangulo sa Malacanang, binigyan ng cash incentives isa-isa, at binigyan ng parada.
Pero sa kaso ni Zhou, back to normal ang kanyang buhay.
Read:
- Carlos Yulo gifted with third house and lot worth PHP6 million
- How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?
- What is inside the box given to medalists at 2024 Paris Olympics?
CHINESE MEDALIST RESTAURANT
Base sa mga videos ni Zhou noong Huwebes, August 14, 2024, balik siya sa pagse-serve ng orders sa mga customers ng restaurant ng kanyang mga magulang sa Hengyang, Hunan Province.
Si Zhou ay nakasungkit ng silver medal sa women’s gymnastics balance beam category sa Paris Olympics.
Una na siyang nag-viral nang makunan sa podium na nagulat nang makita ang fellow medalists na kagat-kagat ang kanilang medalya para sa photo op kaya gumaya na rin siya.
Naaliw ang netizens sa candid reaction ni Zhou.

ZHOU serves AT THE RESTO
Ayon sa info online, bumalik si Zhou sa bayan ng kanyang mga magulang matapos ang Olympics at tumulong sa kanilang food business.
Kapansin-pansin ding suot ni Zhou ang kanyang Olympic uniform.
Ibinahagi rin sa X (dating Twitter) ang kanyang post sa Chinese social media plaform na Weibo.
Kuhang larawan ito sa loob ng kanilang family restaurant, kung saan nakasabit sa pader ang photos at published features kay Zhou sa kanyang mga panalo sa competitions.
Caption niya rito: “I recommend everybody to come visit my family’s restaurant.”

Sa isang comment sa Instagram, ipinaliwanag ng isang netizen ang kaugalian daw na ito sa “traditional Asian family.”
Sabi ng netizen, “Being from a traditional Asian family, that's how it works, doesn't matter if you're an Olympic medalist, doctor, lawyer, etc, if your family needs help at the family business, you're expected to help and we are taught from a young age that that will always be your responsibility.”
Maraming netizens ang sumang-ayon sa komentong ito.
Ikinumpara rin si Zhou sa iba pang Olympic medalists na binigyan ng mainit na salubong ng kanilang bansa.

zhou explains imitating MEDAL BITING
Sa isang recent interview ni Zhou sa Chinese media, nagpaliwanag ang gymnast sa panggagaya niya sa pagkagat sa medal.
Sabi niya rito (translated to English): “Because both [Alicia D'Amato and Manila Esposito] both bit their medals, it would be bad if I didn’t.
"Since we have to take pictures together, it is probably best for our movements to be the same.
"They were both actually biting it, so I just put it by my mouth for a bit.”
Sina Alicia (gold) at Manila (bronze) ay parehong mula sa Italy.
