Binawian ng buhay ang acclaimed American actress na si Gena Rowlands noong Miyerkules, Agosto 14, 2024.
Siya ay 94.
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
Pumanaw si Rowlands sa kanyang tahanan sa Indian Wells, California. Pero hindi pa isinisiwalat ng pamilya niya ang sanhi ng kamatayan ng beteranang aktres.
Dalawang beses nagwaging best actress si Rowlands sa Golden Globe Awards: noong 1975 para sa pelikulang A Woman Under the Influence at noong 1987 para sa mini-series na The Betty Ford Story.
Seventy-four years old si Rowlands nang gampanan nito ang karakter ng matandang Allie sa The Notebook, ang blockbuster 2004 romantic-drama film na pinagbidahan nina Rachel McAdams at Ryan Gosling.
Tumatak nang husto sa publiko ang madamdaming pagganap ni Rowlands sa katauhan ni Allie na may karamdamang dementia sa kuwento ng The Notebook.
Ang anak ni Rowlands na si Nick Cassavetes ang direktor ng The Notebook, at siya ang kumuha sa kanyang ina para gampanan nito ang karakter ng matandang Allie.
Read: Elvis Gutierrez's wife Alexa, 38, passes away

LIFE IMITATES ART
Isang kaso ng life imitates art ang nangyari kay Rowlands.
Sa panayam kay Cassavetes ng Entertainment Weekly noong Hunyo 2024, isiniwalat niyang nagkaroon din ng dementia sa tunay na buhay ang kanyang ina.
“I got my mom to play older Allie, and we spent a lot of time talking about Alzheimer's and wanting to be authentic with it, and now, for the last five years, she's had Alzheimer's.
“She's in full dementia. And it's so crazy — we lived it, she acted it, and now it's on us,” halos hindi makapaniwalang lahad ni Cassavetes tungkol sa karamdaman ni Rowlands.
Sa isang interbyu kay Rowlands noong 2004, ipinagtapat niyang nahirapan siyang bigyang buhay ang karakter ni Allie dahil, gaya nito, nagkaroon din ng Alzheimers disease ang kanyang ina.
“It was particularly hard because I play a character who has Alzheimer's. I went through that with my mother, and if Nick hadn't directed the film, I don't think I would have gone for it — it's just too hard. It was a tough but wonderful movie," sabi ni Rowlands.
Tumagal ng pitong dekada ang acting career ni Rowlands.
Nanalo siya ng mga parangal para sa kanyang pag-arte sa pelikula, telebisyon, at entablado.