Lumalabas na pinakamababa ang Pilipinas sa Asya pagdating sa bilang ng mga atletang ipinadala sa 2024 Paris Olympics.
May 22 athletes na ipinadala ang Pilipinas sa Paris, France. Pinakamarami ang Japan with 410 athletes, habang 388 naman ang Republic of China, at sumunod ang India with 110.
Sumunod naman sa Pilipinas ang Singapore (23), Malaysia (26), Indonesia (29), Hong Kong (34), at Thailand (51).
Pinakamarami pa ring ipinadala ang U.S. with 594 athletes na sinundan ng France (572) at Australia (460).
Sa kabuuan, may 10,500 athletes na dumalo sa Paris Olympics.
Pero may apat na atletang solong representative ng kani-kanilang bansa: Belize, Nauru, Somalia, at Liechtenstein.
Ano kaya ang pakiramdam ng pagiging solo representative sa Olympics?
Read: Carlos Yulo's winning diet: The Power of Extra Rice
SOLO REPRESENTATIVES AT PARIS 2024 olympics
BELIZE
Si Shaun Gill, 31, ang sole representative ng Belize para sa kategoryang 100-meter run category.
Binansagan siyang “the most famous man” in Belize.
Ito ang second time ni Shaun na sumali noon sa 2020 Tokyo Olympics.
Ani Shaun sa ulat ng BBC, ang maging kinatawan ng kanyang bansa ay nagdudulot sa kanya ng “pride” at “extra anxiety.”
Aminado siyang malungkot na wala siyang teammate, pero natutuwa rin siya sa kanyang instant fame sa Olympic village. May mga nagpapa-autograph nga raw sa kanya.
“I had a joke with one of my friends that I may need a security detail,” kuwento niya sa BBC.
May ilang kakilala rin si Shaun dahil bilang engineering graduate ng Texas A&M University sa Texas, USA, may tinatayang 20 schoolmates siyang Olympic athletes din.
Sadly, hindi nakapasok si Shaun sa qualifier ng 100-meters final at sinisi ang pagkakaroon ng jetlag, na nakaapekto sa kanyang performance.
Ang pinakamaiksing biyahe kasi by air mula sa Belize papuntang France ay 13 hours and 24 minutes.
Read: Olympic medalist Thomas Ceccon clarifies viral sleeping photo
SOMALIA
Tulad ni Shaun, second time na rin ni Ali Idow Hassan, 26, ng Somalia na sumali sa Olympics.
Sumali rin siya noon sa 2020 Tokyo Olympics.
Siya ang kintawan ng kanyang bansa sa 800-meter men’s category.
Karangalan daw ito para kay Ali, pero aminado siyang, “I feel very sad when I’m alone.”
Buti na lang ay kinuha ni Ali ang pagkakataong kaibiganin ang mga representatives mula sa ibang African countries sa Olympic village.
LIECHTENSTEIN
First time naman ng cyclist na si Romano Puntener, 20, ng Liechstenstein na sumali sa Olympics.
Sobrang overwhelmed si Romano na sinadyang hanapin ni Andy Murray, ang British na naging number one world tennis player, para makipagpalit ng badge.
Halatang namamangha rin ang British tennis player na makilala ang isang solo athlete ng isang bansa.
Karaniwang nagpapalitan ng badges ang mga atleta bilang souvenir ng mga nakikilala nilang kapwa atleta.
Nakapuwesto si Romano bilang 28th place sa Olympic race. Hindi na masama para sa unang beses niya sa Olympics.
Nakakuha rin siya ng suporta mula sa kanilang prime minister at sa ilan niyang kababayan.
Sabi niya, “It felt like I got a message from every person living in Liechtenstein.”
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
NAURU
First time din sumali sa Olympics ni Winzar Kakiouea ng Nauru para sa 100-meter men’s race.
Ang Naura ay isang isla sa Pacific at tinaguriang “world’s smallest republic.”
Ang population sa Nauru ay mayroon lamang 11,000. Kaya hindi kataka-takang marami raw sa mga nakilala ni Winzar ay hindi pamilyar sa kanyang bansa.
Umaasa ang bansa ni Winzar sa aid ng ibang bansa. Sa katunayan, wala ring proper race track si Winzar sa pag-eensayo.
Sa isang “dirt oval” siya nagpa-practice.
WHAT’S NEXT AFTER OLYMPICS
Patapos na ang Olympics at babalik na rin sa dating buhay sa kani-kanilang bansa ang apat na solo representatives.
Ito na ang huling pagkakataong sasali si Shaun sa Olympics dahil magti-train na siya ng mga susunod na atleta, at magpo-focus sa kanyang career bilang engineer.
Ipagpapatuloy ni Romano ang cross-country cycling sa Liechtenstein.
Ipagpapatuloy din ni Ali ng Somalia ang pagti-train sa Ethiopia, gayundin si Winzar ng Nauru.
