PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man kills neighbor over question about being single

Na-offend sa laging pag-uusisa ng biktima sa kanyang relationship status.
by KC Cordero
Published Aug 8, 2024
Photo of the suspect
Nasasaktan umano ang kalooban ng suspek sa palagiang pag-uusisa sa kanya ng biktima kung bakit hindi pa siya nag-aasawa, kaya ayun, t hindi na siya nakapagtimpi. (Photo courtesy of @adultfamily on IG)

Isang lalaki sa Indonesia ang napikon at nairita sa walang humpay na pagtatanong ng kapitbahay tungkol sa kanyang single status.

Sukdulan ang naramdamang galit kaya pinatay niya ito.

Naganap ang krimen noong July 29, 2024 sa South Tapanuli, na sakop ng North Sumatra.

Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains

Photo of the suspect
Ang larawan ng suspek. Photo: Screenshot @adultfamily on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

Ayon sa mga ulat ng Indonesian local media, pumunta ang 45 anyos na si Parlindungan Siregar sa bahay ni Asgim Irianto, isang 60-year-old retired civil servant bandang alas otso ng gabi.

Walang kaabug-abog na pinagpapalo ni Parlindungan si Asgim ng dala-dalang piraso ng tabla.

Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star

MISIS NG BIKTIMA NASAKSIHAN ANG KRIMEN

Batay pa rin sa ulat na nakalap ng local media, sinabi ni Assistant Police Commissioner Maria Marpaung na ang mga detalye ng pag-atake ni Parlindungan kay Asgim ay batay sa nasaksihan at ibinigay na mga pahayag ng misis ng biktima.

Habang pinapalo umano ni Parlindungan si Asgim ng dala-dalang piraso ng tabla, nagawa ng biktima na makatakbo palabas ng bahay.

Pero hinabol pa rin ng suspek, at pinalo nito ang ulo ng biktima nang pagkalakas-lakas.

Natumba si Asgim, pero hindi na ito tinantanan ni Parlindungan ng palo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades

PANGUNGULIT TUNGKOL SA PERSONAL NA BUHAY NG SUSPEK ANG UGAT NG KRIMEN

Nagawang sumaklolo ng mga kapitbahay at naawat si Parlindungan sa pag-atake kay Asgim.

Dinala nila ito sa ospital, ngunit binawian na rin ng buhay habang nasa daan.

Ayon sa police commissioner, naaresto si Parlindungan ng mga awtoridad isang oras matapos nitong mapatay si Asgim.

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot

Nang tanungin kung bakit nagawa ang krimen, inamin ng suspek na determinado siyang patayin ang biktima.

Nasasaktan umano ang kanyang kalooban sa palagiang pag-uusisa nitokung bakit hindi pa siya nag-aasawa.

Bago ang insidente, napag-alamang nagkaroon na ng argumento ang dalawa tungkol naman sa kani-kanilang alagang manok.

Pumapasok umano ang mga alagang manok ni Parlindungan sa bakuran ni Asgim—at ganun din naman ang mga alaga ng biktima sa bakuran ng suspek.

Read: Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasasaktan umano ang kalooban ng suspek sa palagiang pag-uusisa sa kanya ng biktima kung bakit hindi pa siya nag-aasawa, kaya ayun, t hindi na siya nakapagtimpi. (Photo courtesy of @adultfamily on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results