PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star

“She probably enjoyed being treated normally for once.”
by KC Cordero
Published Aug 5, 2024
Photo of Rihanna and the scene where she was asked by the kid to take the photo of him and the football players
Cute ang eksenang casual na iniabot ng batang lalaki kay Rihanna ang smartphone at nag-request na kunan ito ng picture kasama ang mga mga football players. Game namang sinunod ito ng international pop star. (Photos: Screenshot @FentyHeadlines on X)

Isang cute na insidente ang naganap nang mag-meet ang international pop star na si Rihanna at ang English professional footballer na si Jack Grealish, star player ng Manchester City, last July 31, 2024 sa New York City.

Nasa New York si Rihanna para manood ng pre-season friendly match sa pagitan ng Manchester City at AC Milan.

Nakasuot ang international pop star ng sports cap at oversized T-shirt mula sa kanyang Fenty line.

Read: Taylor Swift joins Jay-Z, Rihanna, other celebs on Forbes Billionaires List

Sa video na ini-upload ng Fenty Headlines sa X (formerly Twitter), makikita si Rihanna na nagpapakuha ng picture kasama si Grealish at ang mga AC Milan players na sina Christian Pulisic at Yunus Musah.

Saglit pa, isang batang lalaki—na obviously ay fan ni Grealish—ang lumapit sa grupo.

Casual na iniabot ng batang lalaki kay Rihanna ang kanyang smartphone, at nagsabing kunan siya ng picture kasama ang football player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barbie Forteza follows Rihanna's makeup tip

Kid talks to Rihanna
Casual lang na lumapit ang batang lalaki kay Rihanna at nag-request na kunan ito ng litrato kasama ang mga football players. Photo: Screenshot @FentyHeadlines on X

Hindi nakilala—o walang idea—ang batang lalaki na ang hinilingan niya na kumuha ng picture ay bilyonaryang international pop star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cool lang at game na game naman si Rihanna sa request ng bagets.

Rihanna taking photo as requested by the kid
Kinukunan ni Rihanna ng picture ang mga bagets kasama ang mga football players. Photo: Screenshot @FentyHeadlines on X

Humanap pa ng magandang puwesto ang international pop star para makunan ng magandang anggulo ang batang lalaki at ang idol nitong football star at iba pang players.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinawag din ni Rihanna ang iba pang bata para sumama sa picture taking.

Read: Son of Asia’s richest man hosts pre-wedding party worth PHP6.7B; Rihanna paid PHP425M for 90-minute show

RIHANNA PINURI NG NETIZENS SA PAGIGING COOL

Ikinatuwa ng netizens ang naging gesture ni Rihanna.

Ayon sa isang nagkomento sa video, cute ang eksenang casual na casual na iniabot ng batang lalaki ang smartphone nito.

“I'm sure she appreciated it, too. She seemed like she liked directing them to pose to get the shot.”

Read: Rihanna wears a Michael Cinco gown for magazine shoot

Rihanna taking a photo
Bigay na bigay si Rihanna sa pagkuha ng pictures ng mga bata kasama ang mga football players. Photo: Screenshot @FentyHeadlines on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ng isa pa, mahahalatang enjoy si Rihanna sa pag-obliga sa request ng bata, at mukhang masaya ang lahat sa nangyari.

Ayon naman sa isa ay lalong lumaki ang respeto niya kay Rihanna.

“She probably enjoyed being treated normally for once.”

Read: Rihanna teams up with UNICEF for "There for the Philippines" campaign to help children affected by typhoon Yolanda

RIHANNA HINDI NA KILALA NG YOUNGER GENERATION?

Nang mag-viral ang video ng interaction ni Rihanna sa mga football players at sa batang lalaki, may mga nagsabing hindi sila makapaniwala na hindi na kilala ng mga kabataan ngayon ang international pop star.

Komento ng isa, “The younger generation doesn’t recognize Rihanna anymore and it's all her fault.”

Ang rason ayon sa nagkomento ay dahil hindi na ito gumagawa ng kanta.

Posible umanong ang batang lalaki ay baby pa nang ilabas ni Rihanna ang huli nitong album—ang Anti, na inilunsad noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa ng isa, relevant pa rin Rihanna sa mga solid fans nito.

At mukha naman umanong masaya ito sa request ng bata.

“She doesn’t seem bothered at all and she gives the kid his moment, I respect that.”

Biro tuloy ng ibang nagkomento, tiyak na masa-shock ang bata pag malaki na ito at matutuklasan kung sino ang pinakuha niya ng photos.

Rihanna with Jack Grealish
Ang kuha nina Rihanna at Jack Grealish bago nilapitan ng bata ang international pop star at nag-request dito na kunan siya ng picture kasama ang football player. Photo: Screenshot @FentyHeadlines on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung mayroon mang masaya na makita in person si Rihanna at nakasama pa sa photo, ito ay walang iba kundi si Grealish.

Noong 2019, inamin ng football player na celebrity crush niya si Rihanna.

Nagagandahan umano siya rito, at gusto niya ang music ng international pop star.

Read: Rihanna hits back at critics; says she doesn't want to be a role model

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cute ang eksenang casual na iniabot ng batang lalaki kay Rihanna ang smartphone at nag-request na kunan ito ng picture kasama ang mga mga football players. Game namang sinunod ito ng international pop star. (Photos: Screenshot @FentyHeadlines on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results