Tinawag na “overnight sensation” sa Internet ang athlete ng Turkiye na si Yusuf Dikec, 51 anyos.
At bukod sa pa-viral niya sa social media, naging laman din siya ng foreign news sites.
Gumamit ng iba’t ibang compliments para ilarawan si Yusuf sa sinalihang category sa 2024 Paris Olympics: ang 10-meter air pistol mixed event team.
Pinuri ang kanyang “swag,” “cool manner,” at expertise daw niya sa “masterclass in nonchalance.”
Nagsulputan din ang napakaraming memes sa kanya.
Bakit agaw-pansin si Yusuf sa nagaganap na Olympics?
Pagtuntong kasi ni Yusuf sa shooting range during his competition noong July 30, 2024, kalmado lang ito, bahagyang nakakunot ang mga kilay, walang bakas na kinakabahan.
Ang stance nga raw niya ay parang bida sa action movies and TV series.
Hawak ang baril sa kanang kamay, habang ang nasa bulsa ng pantalon ang kaliwang kamay. Ang suot niya ay simpleng white T-shirt.
Tinutok ang baril sa bull’s eye nang nakabukas ang dalawang mata at tanging ang suot ay reading glasses.

Kapansin-pansin na wala raw siyang suot na special gear: eye cover, ear protection, at specialized lenses.
Karaniwan, nagsusuot ang shooters ng eye gears for better focus at para mabawasan ang glare.
Hindi lang halata, pero nakasuot siya ng yellow earplugs, na nakakatulong para maiwasan ang noise distractions.
Lutang ang simpleng itsura niya kumpara sa mga kalabang agaw-pansin sa uniform pa lamang—may naka-cap at may nakasuot ng eye at ear gears.
Si Yusuf ay inihambing kina James Bond at John Wick.
Read: Random post on X leads to discovery of 400-year-old painting of King Henry VIII

gearless olympian is TURKISH SHOOTER YUSUF DIKEC
Si Yusuf at teammate niyang si Sevval Ilayda Tarhan ang nag-uwi ng silver medal.
Tulad ni Yusuf, simple rin ang itsura ni Sevval, nakapamulsa rin ang kaliwang kamay, pero may suot siyang visors at malalaking ear defenders.
Ang kanilang pagkapanalo ang nagbigay sa Turkiye ng kauna-unahang Olympic medals nito sa shooting.
Sina Damir Mikec at Zorana Arunovic ang Serbia ang nakakuha ng gold medal, habang si Manu Bhaker at Sarabjot Singh ng India ang nag-uwi ng bronze.
Read: Hermès heir who plans to give his money to gardener says his wealth vanished

YUSUF DIKEC IS NO BEGINNER as a shooter
Sa mga naiintriga kung bakit mas pinili ni Yusuf na huwag gumamit ng special gears, nagsalita siya sa Turkish media.
May basehan din daw kung bakit nakabulsa ang kanyang isang kamay at nakabukas ang dalawang mata nang magpaputok.
“I shoot with both eyes. Most shooters do it with one, so I didn’t want all that equipment,” paliwanag ni Yusuf.
“Shooting with two eyes, I believe, is better. I’ve done a lot of research on it so I didn’t want that equipment.
“Shooting with one hand in my pocket has nothing to do with any artistry. I’m more motivated and feel more comfortable while shooting.
“And that stance is actually about bringing the body to equilibrium and focus in concentrating.”

Para sa kaalaman ng marami, batikang shooter si Yusuf ng Turkiye.
National record holder siya sa pistol events sa kanyang bansa.
Gold medalist siya sa 2011 International Shooting Sport Federation (ISSF) World Cup.
Nakasungkit siya ng tatlong gold medals sa 2013 European Championships.
Siya ay five-time Olympian at shooter since 2008.
Ito ang kanyang kauna-unahang Olympic medal.
Looking forward siya sa 2028 Olympics sa gagawin sa U.S.
Hopefully ay masungkit na raw niya ang gold medal.
