PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Old painting of Henry VIII discovered via random post on X

The painting is more than 400 years old
by Bernie V. Franco
Published Aug 2, 2024
King Henry VIII painting
Scrolling through X (formerly known as Twitter) led to an art historian's discovery of a missing painting, which is more than 400 years old.
PHOTO/S: Adam Busiakiewicz via BBC

Dahil sa isang random post sa social networking platform na X (formerly known as Twitter), nadiskubre ng isang art historian ang isang nawawalang painting.

Portrait ito ni King Henry VIII, na naging hari ng England mula 1509 hanggang 1547.

Bago natagpuan ang painting, matagal na panahon itong nawawala at hindi alam kung saan napunta.

Pero dahil sa isang ipinost na photo sa X ay natunton ito.

Read: Life story of jeepney driver’s son who makes a fortune in Spain

PAINTING SPOTTED ON X

Kilala si King Henry VIII sa pagkakaroon ng anim na asawa, kabilang na rito si Anne Boleyn.

Ang painting, na tinatayang 434 years old, ay natukoy ni Adam Busiakiewicz, isang art historian at consultant sa mga kilalang auction houses tulad ng Sotheby's.

Ayon sa ulat ng BBC, habang tumitingin si Adam sa X sa kanyang gadget, nadaanan niya ang isang photo na kuha sa loob ng Shire Hall, isang complex building sa Warwick, England.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapukaw ng kanyang atensiyon ang painting na nakasabit sa background.

Ang post ay ginawa ng Warwickshire Lieutenancy, isang agency na nagsisilbi sa royal family..

Sabi ni Adam sa nature ng kanyang work bilang historian, "I spend a lot of time thinking about paintings and looking at people's walls.”

Kasunod nito, ipinaalam ni Adam sa local authorities ang kanyang nakitang obra.

Inanyayahan siya na pumunta sa Shire Hall para malaman kung tama ang kanyang hinala.

people at the museum
Encircled in the background is the portrait of King Henry VIII
Photo/s: @Warkslieutenant on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Hermès heir planning to give away wealth says money vanished

THE PAINTING

Hindi nga nagkamali si Adam.

Ang painting ay isa sa 22 collections ng 17th century English antique collector na si Ralph Sheldon.

Ipininta ito noong 1590s, at nakakamangha ang magandang pagkakagawa sa portrait ni King Henry VIII.

Inilipat ito sa Museum Collections Center para sa further research.

Hindi kasi malinaw kung paano napunta ang painting sa Shire Hall.

Hindi rin matiyak ni Adam kung magkano ang painting, subalit ang mga isinubastang art pieces ni Sheldon ay umaabot daw sa 200,000 pounds o PHP15 million.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Scrolling through X (formerly known as Twitter) led to an art historian's discovery of a missing painting, which is more than 400 years old.
PHOTO/S: Adam Busiakiewicz via BBC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results