PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Driver finds white diamond worth PHP5.6 million

Losing his job turns out to be a blessing, as it leads him to pursue mining.
by Bernie V. Franco
Published Jul 30, 2024
diamond
A driver's life changed dramatically after discovering a white diamond worth nearly $100,000 (approximately PHP 5.8 million) in a mining field. The lucky guy whose name is Raju Gond recalls his father and grandfather sharing stories about people in their area finding diamonds and experiencing life-changing fortune.
PHOTO/S: Dillon Wanner via Unsplash / Anupam Singh via CNN

Sa isang iglap, "changed forever" ang buhay ng driver na si Raju Gond matapos makapulot ng isang white diamond

Ayon sa ulat ng CNN, 19.22 carats ang diamond at nagkakahalaga ng tinatayang $100,000 o PHP5.8 million.

Ang unang gagawin daw ng driver ay bayaran ang utang ng pamilya. Magtatabi rin daw siya ng pera para sa edukasyon ng kanyang mga anak.

Si Raju, 40, ay nakatira sa Madhya Pradesh, Central India.

Tatlong pamilya sila sa iisang bubong.

Bukod sa pagiging tractor driver, nagmimina rin siya para makahanap ng ginto o diamond.

Kadalasan, nakakapag-uwi siya sa pamilya ng $4 o tinatayang PHP200 kada araw.

Kulang pa itong pambayad sa $9.50 o PHP550 na sinisingil para makapagmina sila ng ginto sa 64-square-meter mining land na pag-aari ng gobyerno.

Hindi naman napunta sa wala ang lahat dahil naka-jackpot sila sa nahanap na diamond.

Read: Meet the polyamorous family of Taya, Alysia, Sean, Tyler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DRIVER RAJU GOND's biggest FIND

Noong July 24, 2024, dumapo ang suwerte kay Raju.

Bawat punas at linis niya sa batong napulot ay ramdam niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

“It shone spectacularly. I knew it was a diamond right then!” pahayag ni Raju sa CNN.

Nagyakap silang magkapatid sa sobrang tuwa, at dali-daling umuwi.

Pagdating sa bahay, isinama nila ang kanilang ina para magtungo sa local Panna Diamond Office at mapasuri ang bato sa official diamond examiner ng bayan na si Anupam Singh.

Ani Anupam sa CNN, “This is a white diamond of 19.22 carat,” at idinagdag na nagkakahalaga ito ng $95,500 o PHP5.6 million.

Raju Gond diamond
Driver Raju Gond and the white diamond he found
Photo/s: Rakesh Gond via CNN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Graduate denies claim her dad pocketed PHP13 jeepney fare

Aniya pa, ang bayan nilang Panna ay kilala dahil sa mga diamonds.

“In 1961 someone found a 54.55-carat diamond, then in 2018 someone found a 42-carat diamond, and now this.”

Sinabi ni Anupam na may bahagi ng lupa sa kanilang lugar na pinapaupahan ng gobyerno bilang minahan.

Kapag may natagpuang diyamante, kakaltas lamang ang gobyerno ng 11.5 percent royalty at maliit na buwis.

Ngayong taon, may mga nakahanap daw ng maliliit na diamonds.

Sabi pa ni Anupam, hinihintay niyang umabot sa $360,000 (PHP21 million) ang kanilang diamond inventory bago magpasubasta, saka babayaran ang mga nakakuha ng diamond, tulad ni Raju.

RAJU GOND'S SILVER LINING

Malaki naman ang pasasalamat ni Raju sa maulang panahon sa kanilang lugar nitong mga nakalipas na buwan.

Dahil sa mga pag-ulan at pagbaha, nawalan ng trabaho ang karamihan—kasama si Raju.

Naisipan tuloy niyang magmina, at sinuwerte sa nahanap na diamond.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagbukas na ng bank account si Raju at inaantay na lang niyang mabayaran siya.

Una raw niyang gagawin ay babayaran ang utang ng kanyang pamilya na $6,000 (PHP350,000).

Ang matitira ay pampagawa ng bahay, pambili ng maliit na lupa, at para sa pag-aaral ng mga bata.

Kasama niya sa bahay ang mga magulang, asawa, pitong anak, at ang pamilya ng kanyang kapatid.

Noong bata raw siya ay madalas siyang kuwentuhan ng kanyang ama at lolo tungkol sa mga kababayang nagbabago ang buhay dahil nakakapulot sila ng diamond,

Sino ang mag-aakalang mangyayari ito sa kanila?

“Our lives have changed forever," sambit niya.

At habang hinihintay nila ang malaking bayad, patuloy sina Raju sa pagmimina sa pag-asang makahanap muli ng diamonds.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A driver's life changed dramatically after discovering a white diamond worth nearly $100,000 (approximately PHP 5.8 million) in a mining field. The lucky guy whose name is Raju Gond recalls his father and grandfather sharing stories about people in their area finding diamonds and experiencing life-changing fortune.
PHOTO/S: Dillon Wanner via Unsplash / Anupam Singh via CNN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results