Engaged na ang American award-winning singer-songwriter na si Lady Gaga, 38, sa kanyang entrepreneur at tech investor boyfriend na si Michael Polansky, 46.
Mismong si Lady Gaga ang nagkumpirma nito nang ipakilala niya si Michael kay Prime Minister na si Gabriel Attal ng France nang magkita sila sa 2024 Paris Olympics.
Read: Lady Gaga’s half-Pinoy hairstylist Frederic Aspiras gets Oscars 2022 nomination
Sa video sa TikTok na in-upload mismo ng prime minister, makikita ang pagkikita nila ni Lady Gaga sa Olympic swimming competition nitong Linggo, July 28.
Kalakip nito ang caption na, "Thank you Lady Gaga for your stunning performance at the opening ceremony. It was breathtaking."
@gabriel_attal Thank you Lady Gaga for your stunning performance at the opening ceremony. It was breathtaking. ????????
? son original - Gabriel Attal
Maririnig din sa video na matapos bumeso at bumati ni Lady Gaga kay Attal ay tinanong siya nito kung sino ang kanyang kasama.
Sinagot naman ito ni Lady Gaga at sinabing "my fiancé," sabay turo kay Michael na noong mga oras na iyon ay nasa kanyang likuran.
LADY GAGA SPOTTED WEARING SPARKLING RING
Mabilis na nag-viral ang video na in-upload ni Attal.
Marami sa fans ni Lady Gaga ang natuwa sa kanyang pagkaka-engage.
Bagamat wala pang direktang pag-anunsiyo si Lady Gaga sa naging proposal sa kanya ni Michael, ayon sa mga tagahanga ay sapat na sa singer mismo nanggaling ang impormasyong fiancé na niya ang longtime boyfriend.
Read: Marlo Mortel, nanood ng concerts ng BTS at ni Lady Gaga, na-meet at nayakap si Bruno Mars sa U.S.
Dahil sa kanyang rebelasyon, muling binalikan ng fans ni Lady Gaga ang naging performance nito sa opening ceremony ng 2024 Paris Olympics noong July 26, kunsaan kapansin-pansin ang suot-suot niyang singsing sa kaliwang daliri.
Espekulasyon tuloy ng marami, ito ang kanyang engagement ring.
LADY GAGA AND MICHAEL RELATIONSHIP
January 2020, unang napansin ng netizens ang espesyal na relasyon nina Lady Gaga at Michael nang makunan sila ng litrato habang naghahalikan sa New Year's Eve party sa Las Vegas.
February 4, 2020, mismong si Lady Gaga na ang nagkumpirma sa kanilang relasyon nang mag-post siya sa Instagram ng larawan nila ni Michael kuha sa ginanap na Super Bowl 2020 sa Miami.
Read: 10 Lady Gaga Superbowl 2017 memes we found most hilarious!
Sa picture, makikita si Lady Gaga na nakakalong kay Michael, habang sila'y nakasakay sa yate.
Kalakip ang caption na (published as is), "We had so much fun in Miami. Love to all my little monsters and fans, you’re the best! [read heart emoji]."

