PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

HyunA faces backlash after wedding announcement

HyunA's fiance Yong Jun Hyung is tied to the Burning Sun scandal.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 23, 2024
HyunA criticizes after wedding announcement with Yong Jun Hyung
K-pop stars HyunA and Yong Jun Hyung are getting married in October 2024.
PHOTO/S: @HyunA/Yong Jun Hyung Instagram

Kaliwa't kanang batikos ang kinahaharap ngayon ng K-pop star na si HyunA pagkatapos niyang ianunsiyo ang nakatakda nilang pagpapakasal ng kapwa singer na si Yong Jun Hyung.

Si HyunA ay kilala bilang dating miyembro ng K-pop girl groups na 4Minute at Wonder Girls.

Habang si Yong Jun Hyung ay dati ring singer bilang miyembro ng K-pop boy group na Highlight (dating kilala bilang Beast).

Read: K-pop stars HyunA and DAWN break up nine months after engagement

Noong July 8, 2024, naglabas ng pahayag ang talent management ni HyunA, ang At Area, para kumpirmahin sa publiko ang napabalitang kasal ng singer kay Yong Jun Hyung.

HyunA criticizes after wedding announcement with Yong Jun Hyung
Photo/s: @HyunA Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa At Area, totoong magpapakasal na sina HyunA at Yong Jun Hyung sa October 2024.

Mababasa sa kanilang pahayag (published as is), "HyunA and Yong Junhyung, who have been a great source of comfort to each other during difficult times, have promised marriage. They will hold a wedding with close acquaintances in October and begin a new life.

"We thank everyone who always shows warm support and ask for many blessings for the future of HyunA, who has made a significant decision both as an artist and as an individual."

Bagay na sinang-ayunan naman ng talent management na kinabibilangan ni Yong Jun Hyun (ayon sa ulat ng Soompi.com).

Ayon sa ahensiya ni Yong Jun Hyun, malaki ang tiwala at pagmamahal nina HyunA at Yong Jun Hyun sa isa't isa kaya nagdesisyon silang lumagay na sa tahimik.

Ito'y kahit noong January 2024 lang nila isinapubliko ang kanilang espesyal na relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: K-pop star DAWN calls out netizen spreading false information about his breakup with HyunA

Pahayag ng talent management ni Yong Jun Hyun, "Yong Junhyung and HyunA, with deep affection and trust for each other, have decided to hold a wedding with close acquaintances this October.

"We would appreciate warm interest and blessings for Yong Junhyung as he embarks on a new chapter of his life as a married couple [with HyunA]."

HYUNA FACES BACKLASH, CANCELLED TOUR

Kasunod ng anunsiyo sa pagpapakasal ng dalawa, marami sa netizens ang nagpahiwatig na hindi sila pabor sa pagpapakasal ni HyunA kay Yong Jun Hyun.

Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Yong Jun Hyun sa Burning Sun scandal.

May ilang netizens ang nanawagang i-boycott ang upcoming concert ni HyunA sa North America sa August 2024.

Dahil dito, tumumal daw ang bumibili ng tickets sa concert ni HyunA, dahilan para tuluyan nang kanselahin ang nakatakda sanang concert, ayon sa ulat ng allkpop.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat hindi ito kinumpirma ni HyunA, pinapaniwalaang ang desisyon ng K-pop star na kanselasyon ng kanyang concert ay may kaugnayan sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Yong Jun Hyun.

Pahayag ng organizer, "Unfortunately, the event has been canceled by the organizer. Refunds will be processed through the payment method used at the time of purchase."

YONG JUN HYUN'S PAST CONTROVERSY

Dahil sa nangyari, marami sa fans ni HyunA ang sinisisi ang nakaraan ng fiancé niyang si Yong Jun Hyun.

Nasangkot ang pangalan ni Yong Jun Hyun sa Burning Sun, isang nightclub sa Seoul na naging sentro ng illegal prostitution, sex at drug scandal noong 2016.

Noong 2019, inimbestigahan ng pulisya si Yong Jun Hyun nang ituro siya bilang isa sa mga kasama sa scandal chatroom na gaw ng kapwa niya singer na si Jung Joon Young.

Mabilis itong pinabulaanan noon ni Yong Jun Hyun nang sabihing hindi totoong kasama siya sa scandal chat room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nasabing chatroom ipinapadala ni Jung Yoon Young ang video ng pakikipagtalik niya na ilegal niyang kinukunan.

Noong November 2019, si Jung Joon Young ay nasentensiyahan matapos mapatunayan ng Seoul Central District Court na guilty siya sa kasong aggravated rape.

Isa siya sa limang lalaking nang-gang rape sa isang babaeng walang malay.

Dito napag-alamang nawalan ng malay ang biktima dahil sa sobrang kalasingan, matapos makipag-inuman sa limang akusado, kabilang na si Jung Joon Young.

Read: Jung Joon Young released after five-year prison sentence

Lumabas din sa imbestigasyon na kinuhanan pa ng video ni Jung Joon Young ang pakikipagtalik niya sa unang biktima, bukod pa rito ang pagmomolestiya sa iba pang kababaihan.

Sa ulat ng BBC (British Broadcasting Corporation) noong November 29, 2019, napatunayan ni Judge Kang Sung Soo ng Seoul Central District Court na ilang babaeng “drunk and unable to resist” ang ginahasa ni Jung Joon Young, “filmed them nude and having sex, then spread it on a group chat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabunyag ang sex scandal habang nagsasagawa ang pulisya ng hiwalay na imbestigasyon laban sa K-pop star at Big Bang member na si Seungri.

Akusado si Seungri sa pagsu-supply ng prostitutes sa potential investors ng kanyang mga negosyo.

Read: Former Big Bang member Seungri gets three-year prison sentence in sex, gambling scandal

Dito ay tinukoy si Seungri bilang miyembro ng secret chat group ni Jung Joon Young.

Bukod kay Jung Joon Young, guilty rin sa parehong kaso ang dating FT Island member na si Choi Jong Hoon na nakalaya noong 2021 matapos nitong makulong ng dalawa at kalahating taon.

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K-pop stars HyunA and Yong Jun Hyung are getting married in October 2024.
PHOTO/S: @HyunA/Yong Jun Hyung Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results