Milagrong nakaligtas ang isang sanggol kahit dalawang araw na walang tubig at pagkain sa ditch sa gilid ng highway.
Tinawag na “miracle baby” ang isang taong gulang na sanggol na natagpuan sa isang ditch sa Louisiana highway sa Amerika, hindi kalayuan kung saan natagpuan ang mga labi ng kanyang four-year-old brother, ayon sa mga awtoridad.
Natagpuan ang one-year-old baby boy noong Martes, July 9, 2024, matapos i-report ng isang truck driver sa mga pulis na nakita niya ang sanggol sa Interstate 10.
“When we looked at the video, he [baby] was crawling toward the highway," pahayag ni Sheriff Guillory ng Calcasieu Parish, Louisiana, sa isang presscon noong Martes.
Hayag ng sheriff: "We looked at this 1-year-old as our miracle baby because he was still alive. Unbelievable.
"This kid spent two days out in the weather on the side of the highway. Thank God that trucker had seen him."
Bukod sa mga kagat ng insekto, nasa magandang kalagayan ang baby boy. Dinala ito sa ospital at isasailalim sa child protective services.
Sa di kalayuan ng kinaroroonan ng sanggol, natagpuan ang nakatatandang kapatid nito na four years old, Lunes, July 8. Wala na itong buhay.
Read: Princess of Dubai divorces husband via Instagram post
DEAD 4-YEAR-OLD BROTHER
Inalerto ang mga pulis noong Lunes tungkol sa katawan ng batang natagpuan sa may tubigan sa Vinton Welcome Center. Ito ang mga labi ng four-year-old na batang lalaki, ulat ng NBC News.
Hindi tinukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng bata. Wala namang “obvious” signs of trauma, ayon sa report.

Read: Australian airport hires staff member with Down syndrome
Naglabas ng abiso para sa pagtukoy sa batang walang buhay.
Isang concerned citizen ang nakipag-ugnayan sa mga pulis, at ni-report ang tungkol sa ilang mga kamag-anak nitong nawawala. Positibo niyang tinukoy ang patay na bata.
Napag-alaman ng mga pulis mula sa concerned citizen na ang batang namatay at baby brother nito ay huling namataan kasama ang kanilang inang si Aaliyah N. Jack, 25.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang magkapatid na bata.
Naglabas ng alert laban sa ina ng dalawang bata, at inisyuhan ng arrest warrant “for failure to report a missing child.”
Inaresto si Aaliyah sa isang Mississippi train station “trying to get out of town,” pahayag ni Sheriff Guillory.
Posible pang madagdagan ang kasong isasampa laban sa ina sa pag-usad ng imbestigasyon.
Tumanggi naman ang mga awtoridad na magbigay ng komento ukol sa kaso.
