Trigger warning: sexual assault, domestic abuse, exploitation, and suicide
Matapang na isiniwalat ng South Korean food vlogger na si Tzuyang o Park Jung Won sa totoong buhay, ang umano'y ilang taon niyang pasakit sa kamay ng mapagmaltrato niyang ex-boyfriend.
Si Tzuyang, 27, ay kilalang "mukbanger" o content creator na kumakain ng sangkaterbang pagkain sa kanyang harapan habang naka-video.
Dahil sa mukbang content ni Tzuyang, mayroon na siyang mahigit 10.3 million subscribers ngayon sa YouTube.
Ngunit ang madalas na nakakatakam na video ni Tzuyang sa YouTube ay nabalot ng kontrobersiya nang aminin niya sa publiko, sa kauna-unahang pagkakataon, na siya ay biktima umano ng iba't ibang uri ng pang-aabuso ng dating kasintahan.
Read: Korean food vlogger Tzuyang apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
Sa live broadcast sa YouTube ni Tzuyang nitong Huwebes, July 11, 2024, ibinunyag niyang sinasaktan, tinatakot, at ginagamit siya ng dating boyfriend para makakuha ito ng pera sa loob ng apat na taon.
Pinangalanan niya ang ex-boyfriend bilang si Mr. A.
Pinasok daw niya ang pagmu-mukbang sa kagustuhang matuldukan na ang pang-aaabuso at pamamaltrato sa kanya ni Mr. A.
Financial exploitation and repeated abuse
Bago maging sikat na food vlogger, puwersahan daw ipinasok ni Mr. A si Tzuyang sa bar na pinagtratrabahuhan nito noon.
Dito na raw nagsimula ang kalbaryo ni Tzuyang dahil kapag sinasabi raw nitong ayaw na niyang magtrabaho sa bar ay binubugbog at tinatakot siya ni Mr. A.
Lahad ni Tzuyang sa video (ayon sa English translation ng The Korea Herald), "He also forced me to work at a bar where he worked and took all the money I earned there.
"He hit me twice a day when I said I wanted to quit working."
Dahil sa madalas na pananakit, naisipan na raw noon ni Tzuyang na makipaghiwalay, ngunit hindi ito pinahintulutan ni Mr. A.
Tinakot daw ni Mr. A si Tzuyang na kapag nakipaghiwalay siya ay ilalabas nito online ang mga maseselang videos ni Tzuyang na palihim niyang kinukunan.
Emosyunal na pahayag ni nTzuyang, "I tried to break up with him after witnessing his violent behavior.
"But he threatened me that he would distribute illegally filmed videos of me and physically harmed me using objects like an umbrella."
TZUYANG FOOD VLOGger ERA
Taong 2018 nang simulan ni Tzuyang ang pagiging food vlogger sa YouTube dahil sa kagustuhang kumita ng mas malaking pera.
Mabilis namang tinangkilik ang kanyang mga video na humakot ng libu-libong views.
Ngunit mas lalo pa raw naging bayolente si Mr. A kay Tzuyang nang maging popular siya sa YouTube.
Dito na raw nagsimulang bumuo ng talent management agency si Mr. A upang hawakan ang pausbong na noong career ni Tzuyang.
Ayon pa sa vlogger, puwersahan siyang pinapirma ng kontrata ni Mr. A na naglalaman ng hatian nila pagdating sa kikitain niya sa kanyang pagba-vlog.
Ang siste, seventy-thirty.
Seventy percent sa kabuuang kita ni Tzuyang sa YouTube ang mapupunta kay Mr. A, at ang matitirang treinta porsiyento ang makukuha lamang ni Tzuyang.
Pagbabahagi ni Tzuyang, "He didn't even uphold that contract, and took all the money.
"I got beaten almost every day and filmed videos. This happened for four years.
"Even though I earned some money from the broadcasts, he took all of it, leaving me without enough money to buy even a chicken meal."
Evidence of abuse
Para patunayang totoo ang kanyang rebelasyon, sa dulo ng video ni Tzuyang sa YouTube ay pinagsalita nito ang dalawa niyang abogado na sina Kim Tae Yeon at Kim Ki Baek.
Ipinakita ng dalawang abogado ang isinumite sa kanilang dokumento, audio recordings, at pictures ni Tzuyang na magpapatunay umano sa malagim na sinapit ng food vlogger sa kamay ni Mr. A.
Sa dokumentong hawak ng kanyang mga abogado, makikita ang kuhang picture ni Tzuyang na puno ng pasa ang kanyang braso at binti.
"[He] hit my body because it would be too obvious in the face," saad ni Tzuyang.
Pahayag naman ni Kim Tae Yeon: "Tzuyang's suffering was immense, and the evidence is extensive.
"There are 3,800 audio files containing the details of her victimization.
"As a criminal defense lawyer handling many cases, this one was shockingly severe.
"The amount of unpaid earnings owed to Tzuyang is at least 4 billion won."
Nasampahan na raw nila ng kaso si Mr. A para mapanagot sa ginawa nito kay Tzuyang.
Ngunit agad din itong na-dismiss dahil nagpakamatay si Mr. A sa kalagitnaan ng imbestigasyon.
Saad ni Kim Tae Yeon, "We hope there will be no further speculation or misunderstandings regarding the parties involved, and we wish to prevent any secondary harm to the bereaved family."
Hindi na idinetalye pa ni Tzuyang at kanyang mga abogado kung kailan sumakabilang buhay si Mr. A.
