Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Aaliyah Ross, 27, at ang kanyang boyfriend na hindi pinangalanan sa loob ng kanilang tinitirahan nitong June 25, 2024.
Ang insidente ay ibinahagi noong July 1 sa Instagram account ng Black Information Network, isang radio station at content brand para sa mga African-American communities.
Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife

Read: Dead body floating in pond just a napping drunk man
Ang couple ay residente ng Polk County, Florida, USA.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na habang nagtatalo sina Aaliyah at ang kanyang boyfriend, nagdesisyon ang huli na lumabas muna ng bahay para magpalamig ng ulo.
Buhat-buhat nito ang kanilang anak na one year and four months old.
Pero paglabas ng bahay, sa halip na kumalma ay binato ng cinder block ang kotse ni Aaliyah.
Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants
GIRLFRIEND SINAGASAAN ANG BOYFRIEND
Nagalit si Aaliyah sa ginawa ng kanyang partner na 25 years old.
Kinuha niya ang dalawa pa nilang anak—isang four years old at isang six months old—at isinakay sila sa kanyang kotse.
Pinaarangkada niya ito papunta sa kanyang boyfriend na karga pa rin ang kanilang anak.
Nabangga ni Aaliyah ang mag-ama.
Hindi siya huminto at nagpatuloy sa pagmamaneho, hanggang sa bumangga ang kotse sa bahay ng isa nilang kapitbahay.
Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?
Bumaba si Aaliyah sa kotse at binalikan ang kanyang boyfriend at anak.
Kinuha lang niya ang bata at dinala sa loob ng kanilang bahay, at pagkatapos ay umalis siya dala ang kanilang dalawang anak.
Nagawa naman ng lalaki na makabangon at makalakad.
Kinuha nito ang anak sa loob ng bahay at dinala sa pinakamalapit na ospital para pareho silang malapatan ng lunas sa tinamong injuries.
Read: Homeowner uses frying pan to foil burglary attempt
BOYFRIEND SUGATAN, BABY KRITIKAL ANG KONDISYON
Ayon sa pulisya, kritikal ang kondisyon ng baby.
Agad naglabas ng warrant para maaresto si Aaliyah.
Natunton naman agad ang babae na dumiretso pala sa bahay ng kapatid sa Orlando.
Nadakip din agad ito ng mga tauhan ng Orange County Sheriff's Office.
Read: Student caught using AI to cheat during entrance exam

Read: Terminated employee exacts revenge; deletes company servers
Natukoy rin kung saan iniwan ni Aaliyah ang dalawa pa niyang anak.
Kasalukuyang ine-evaluate ng Florida Department of Children and Families kung kanino ilbibigay ang kostudiya ng dalawang bata.
Ginamot ang boyfriend ni Aaliyah na nagkaroon ng bruises sa baga at katawan.
Nakalabas na ito ng ospital.
Ang bata naman ay nabalian ng kaliwang balikat at collarbone, pati na rin ribs kaya bahagyang nag-collapse ang kanyang baga.
Nagtamo rin siya ng mga galos sa katawan.
Nananatili pa rin ang bata sa ospital.
Read: Silver necklace stops bullet, man survives gunshot
PULISYA TINAWAG NA “CRAZY WOMAN” SI AALIYAH
Paglalarawan ni Polk County Sheriff Grady Judd, na siyang namumuno sa imbestigasyon, kay Aaliyah, isa itong "crazy woman."
Sinampahan na ang babae ng mga kasong simple domestic battery, hit-and-run resulting in property damage, aggravated battery, child neglect without bodily harm, and aggravated child abuse.
Sinabi naman ni Aaliyah sa mga imbestigador na ilang beses na siyang nagkunwari na sasagasaan ang partner sa tuwing nag-aaway sila.
Pero bago umano niya ito tuluyang mabangga ay kusa niyang iniiwas ang sasakyan.
Palagay umano ni Aaliyah, sa pinakahuling insidente, ang kanyang boyfriend ang nagkamali ng pag-iwas kaya niya ito tuluyang nabangga.
Read: Man in Cebu City attacks 3 girls for being pretty
SUSPEK GUMAWA NG “INCREDIBLY UNTHINKABLE CHOICES”
Hindi naman pinaniwalaan ni Sheriff Judd si Aaliyah.
Sa dami umano ng nilabag na batas ng babae ay malaking banta siya sa kaligtasan ng mga taga-Florida.
Ayon sa sheriff sa inilabas na statement, “Aaliyah Ross made a series of incredibly unthinkable choices Monday: running over a man and a baby with a car, leaving the baby alone, and failing to get medical treatment for the obviously injured baby.
“Someone who does this to a baby will do this to anyone—her uncontrollable rage is a threat to the public.”
Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house
