Nakakakuha ng malaking interes ngayon ang isang lalaking nag-suffer ng cardiac arrest sa loob ng casino matapos umano nitong maka-jackpot ng malaking halaga.
Kumakalat sa social media ang kuhang video kung saan makikitang nakahandusay siya sa sahig at walang malay, humahagulgol ang kasama nitong babae, habang chini-check ng dalawang casino staff members ang kanyang lagay.
Nakapalibot ang mga tao—ang iba ay kinukuhanan ng video ang eksena.
Ayon sa reports, nangyari ito sa Marina Bay Sands sa Singapore noong weekend. Hindi pinangalanan ang lalaki.
Sa mga kumalat na posts sa social media, ang sinasabing kuwento ay matapos manalo ng jackpot, nagkaroon ng cardiac arrest ang lalaki, saka binawian ng buhay.
Read: VIRAL: Missing PHP345K savings of BDO depositor Gleen Canete
Iba-iba ang halaga ng sinasabing napanalunan nito: mayroong $4 million, mayroong 300,000 pounds.
Ang video na ipinost sa X (dating Twitter) ay may higit four million views na, at na-pick up din ng foreign online sites at tabloids.
Ang iba rito, may klaripikasyon na hindi namatay ang lalaki.
May mga nag-report namang on the road to recovery na siya at ini-enjoy ang jackpot na napanalunan niya.

Read: VIRAL: Poisonous cobra goes inside Thai’s boxer shorts
MAN WHO SUFFERED CARDIAC ARREST AFTER JACKPOT IS FAKE NEWS
Pero matapos pagpiyestahan ang video, ang katotohanan pala ay isa itong fake news.
Paglilinaw ng spokesperson ng Marina Bay Sands, hindi binawian ng buhay ang lalaking nag-suffer ng cardiac arrest. Hindi rin nanalo ang lalaki ng malaking halaga ng pera.
Ayon pahayag na lumabas sa Casinos.com noong June 25, 2024, “We would like to clarify that the news being reported and the video circulating online is factually untrue.
“Unfortunately, the fake news has spread, and the video still circulating online is causing some distress to the guest’s family."
May ilang sites na tinanggal na ang istorya, pero may mga posts pa rin sa social media na laman ang maling balita.
Isa na naman itong patunay na hindi lahat ng napapanood at nababasa ay totoo, kahit na may kasama pa itong photo at video.
Kaya naman mahalaga ang pagiging mapanuri at fact-checking bago paniwalaan ang mga kuwentong kumakalat online.
