Paano kung magising ka na may makamandag na ahas sa loob ng iyong underwear?
Kahit siguro wala kang ophidiophobia o phobia sa ahas, matatakot ka talaga.
Ito mismo ang nangyari sa isang lalaki sa Thailand na nagising na may nakasiksik na poisonous snake sa loob ng kanyang boxer shorts.
Read: Woman files complaint vs BF who failed to take her to airport
VENOMOUS COBRA INSIDE BOXER SHORTS
Ipinost ng kaibigan niyang si Ner Kwai Tai sa Facebook noong June 8, 2024 ang video na nagpapakita kung paano nahugot ang ahas mula sa boxer shorts.
Mapapanood na dumating sa bahay ang dalawang animal rescuers.
Sa labas ng bahay ay makikitang nagkumpulan ang mga taong naulinigan ang pangyayari.
Pagpasok sa bahay ng rescuers, makikita ang lalaking nakahiga sa kutson sa sahig.
Nakahilata ito at nakasuot lamang ng boxer shorts. Hindi gumagalaw ang lalaki.
Sinenyasan niya ang dalawang rescuers kung saan banda nakasiksik ang ahas sa loob ng boxer shorts.
Read: VIRAL: Missing PHP345K savings of BDO depositor Gleen Canete

Maya-maya, inilabas ng isang rescuer ang isang maiksing panungkit at ipinasok sa loob ng boxer shorts.
Paghila nito sa panungkit ay natangay nito ang cobra, na agad hinawakan ng rescuer sa buntot.
Noon lang gumalaw at tumayo ang lalaki sa kanyang pagkakahiga.
Dahan-dahan namang ipinasok ng rescuer ang ahas sa loob ng isang lalagyan.

Batay sa caption ng post, sinabi ng uploader na nagtago ang ahas sa boxer shorts dahil naghahanap ito ng warm area.
Sinabi rin nitong kahit ang maliit na cobra ay may venom.
Sa isang 2022 article tungkol sa ilang Asian countries at Australia na may malaking populasyon ng ahas, nakasaad dito na ang insidente ng snakebites per year sa Thailand ay 7,000-9,000 as of 2015.
Ang statistics naman ng deaths caused by venomous snakebites ay 5-100 per year.
