Inakala ng isang babae na kailangan lang niyang magbanyo dahil biglang sumakit ang kanyang tiyan.
Yun pala ay manganganak na siya.
Pero ang pambihira sa kuwento ng babae, hindi niya alam na buntis pala siya.
Ito mismo ang nangyari kay Tayvia Woodfork, 26, nang kumain sa isang eat-all-you-can restaurant sa North Little Rock, Arkansas, sa USA.
Noong Mayo 4, 2024, nagtungo si Tayvia at buong pamilya niya sa Golden Corral Restaurant para mag-lunch.
Nang maramdaman niyang sumasakit ang tiyan, dali-dali siyang dumiretso sa comfort room.
“She was complaining that her stomach hurt,” lahad ng nanay niyang si Tameka Woodfork sa TODAY.com nitong June 7, 2024.
Walang kaalam-alam si Tayvia na 37 weeks pregnant na pala siya.

Hindi kasi siya nakaramdam ng mga senyales tulad ng weight gain o paggalaw ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
Giit ng ina ni Tayvia, “There were no signs. We had no idea.”
Read: Newlyweds "disrespected" by parish priest on wedding day
clueless TAYVIA IN LABOR
Makalipas ang 10 minutes, hindi pa rin nakakabalik mula si restroom si Tayvia kaya nagdesisyon si Tameka na sundan ang kanyang anak.
Nadatnan niyang umiiyak na sa sakit ng tiyan si Tayvia.
Wala ring malay si Tayvia kung ano ang nararamdaman niyang sakit ng tiyan.
Tumawag ang kanyang nanay sa 911.
Ilang saglit matapos dumating ang paramedics, ligtas na nailuwal ni Tayvia ang isang bouncing baby boy.
Ang ibinigay niyang pangalan sa kanyang anak ay Tamaar Kylon Corral Woodfork, na isinunod sa pangalan ng resto dahil doon siya nanganak.
May mga nagmungkahi kay Tayvia na “Golden” ang ipangalan sa kanyang baby, pero mas preferred niya ang Corral.
Ang panganay ni Tayvia ay ang toddler na si Taylon, 2.
Natuwa naman ang Golden Corral restaurant at ipinost ang nangyari sa social media accounts nito.
Niregaluhan ng restaurant ang anak ni Tayvia ng baby essentials at isang Golden Corral gift card.
Read: Thief falls asleep during robbery thanks to cool aircon
CRYPTIC PREGNANCY
Ang naranasan ni Tayvia ay tinatawag na cryptic pregnancy.
Ayon sa Health.com, ang cryptic pregnancy “is when someone is pregnant but doesn’t know it.”
Dagdag pa, “Sometimes people are unaware of their pregnancy for several months into a pregnancy. Other times, people don’t know they’re pregnant until they go into labor.”
Bagamat di pangkaraniwan ang cryptic pregnancy, may mga pagkakataong nangyayari talaga ito.
Ang cryptic pregnancy ay tinatawag ding unperceived pregnancy, pregnancy denial, or stealth pregnancy.
Ito rin ang nangyari sa kaso ni Pia Rapusas sa Pilipinas noong May 2020.
Walang kamalay-malay si Pia na buntis siya na siya.
At nang magpa-check up siya kasama ang asawang si Jonathan, inabisuhan siyang manganganak na siya.
In short, nalaman ni Pia na buntis pala siya sa araw ng kanyang panganganak.
Read: Woman finds out she's pregnant on the day she is about to give birth
