Instant milyonaryo ang isang American couple matapos makabingwit ng isang metal safe na naglalaman ng malaking halaga ng pera.
Mga metal fishers ang mag-asawang James Kane at Barbie Agostino. Namimingwit sila ng metal objects sa bodies of water gamit ang isang powerful magnet.
WHERE THE METAL FISHING HAPPENED
Isang araw, napadako sina James at Barbie sa Queens, New York City.
Nagdesisyon silang mag-metal fishing sa Flushing Meadows Corona Park, kung saan nakabingwit sila ng isang metal safe.
Nang buksan, bumulaga sa kanila ang stash ng cash na umabot ng $100,000 o katumbas ng PHP5.8 million.
Magkahalong saya at takot ang naramdaman ni James.
Malaki kasi ang posibilidad na may kaugnayan sa krimen ang perang napulot ng mag-asawa.
Ini-report agad nila ito sa New York City pulis.
Read: Father sucker punches comedian for bad joke about his baby
Pahayag ni James sa Australian morning talk show na The Project, June 3, 2024, “Because major New York City is a high-crime area, we have onlookers, friends, and family say, ‘Put the damn money in your pocket and get the hell out of there.’
"But we just can’t because there’s legalities in it.”
METAL FISHING MADE THE COUPLE MILLIONAIRES BUT...
Pero hindi ma-trace ng NYPD ang natagpuang pera sa records nila ng krimen, kaya ibinigay nila ang pera kina James at Barbie.
In short, ang couple ay $100,000 richer.
Pero puwede pa ba ang perang nababad sa maruming tubig?

Read: Man recalls being “eaten alive” by anaconda in 2014
Ipinaliwanag ni James na it's not as if maganda ang kondisyon ng pera nang makuha nila.
Paglilinaw niya, “The thing is it’s underestimated. The money is gone.
“It visually looks terrible. It has to be sent to Washington D.C. and put back together.
“It’s not like a beautiful stack of cash. It looks like a log of mud. It’s really bad, but you can pull back and see what’s in it.”
At may pag-asa pa rin.
Sabi ni James, “They clean it up and takes six months to three years to clean it up. But we believe that this one’s not gonna be that long.”
Plano ng couple na bumili ng bahay o kaya ay maghanda para sa future ng kanilang mga anak.
Nagsimula ang hobby nina James at Barbie noong kasagsagan ng pandemic, at ginawa nila itong content sa YouTube.
Bukod sa pera, marami pa silang mahahalagang bagay na natagpuan, tulad ng “jewels, diamonds, gold, pearls, coins, ring.”
Meron din silang natagpuang World War II grenade at mga baril mula sa 19th century.
