Kabilang sa mga paintings ng Australian indigenous artist na si Vincent Namatjira ang portrait ni Gina Rinehart.
Si Gina ay isang mining magnate at inituturing na pinakamayamang tao sa Australia.
Nanawagan siya sa National Gallery of Australia (NGA) na tanggalin ang kanyang portrait, na isa sa 21 individual works na bumubuo sa isang malaking kuwadro ni Vincent.
Read: Original Mona Lisa painting, binato ng cake; salarin, nagpanggap na matandang babae

Ang malaking kuwadro ay bahagi ng art exhibition ni Vincent na Australia in Color, na nagsimula noong March 2024 sa isang gallery sa Canberra, ang kabisera ng Australia.

Kasama ng portrait ni Gina ang iba pang obra ng artist gaya ng larawan nina Queen Elizabeth II, ng American musician na si Jimi Hendrix, ang Australian Aboriginal rights activist na si Vincent Lingiari, at ang dating Prime Minister ng Australia na si Scott Morrison.
Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo
GALLERY HINDI PUMAYAG TANGGALIN ANG PORTRAIT
Ayon sa naglabasang ulat ng Australian media, kinausap ni Gina ang director at chairman ng NGA at hiniling na alisin ang painting sa kanya ni Vincent.
Ang wild guess ng Australian media, hindi nagustuhan ni Gina ang naging interpretation sa kanya ng artist.
Sa inilabas na pahayag ng NGA noong May 16, sinabi nito na bukas ang ahensiya sa publiko para magkaroon ng dayalogo tungkol sa collection and displays nito.
Read: Painting exhibit sa Catanduanes, abaca paper ang canvas na ginamit!
Ayon pa sa statement ng NGA, “Since 1973, when the National Gallery acquired Jackson Pollocks’ Blue Poles, there has been a dynamic discussion on the artistic merits of works in the national collection, and/or on display at the Gallery.
“We present works of art to the Australian public to inspire people to explore, experience and learn about art.”
Ang Blue Poles, na kilala rin bilang Number 11, 1952 ay isang abstract expressionist painting.
Read: Babae, di makapaniwala ka-look-alike ang nasa vintage painting
ARTIST GUSTUNG-GUSTONG IGUHIT ANG INFLUENTIAL PEOPLE
Sa inilabas namang pahayag ni Vincent, gumagawa umano siya ng painting ng mga taong mayaman, makapangyarihan, at maimpluwensiya.
“People who have had an influence on this country, and on me personally, whether directly or indirectly, whether for good or for bad.”
Dagdag pa ni Vincent, iginuguhit niya ang mundo kung paano niya ito nakikita.
Hindi aniya kailangang magustuhan ng mga tao ang kanyang paintings, pero sana raw ay mag-isip ang mga tao kung bakit ang isang “Aboriginal bloke” ay gumuguhit ng mga makapangyarihang tao, at kung ano ba ang gusto niyang ipahiwatig.
“Some people might not like it. Other people might find it funny. But I hope people look beneath the surface and see the serious side too.”

Si Vincent ay isang award-winning artist at kasalukuyang naninirahan sa South Australia.
Siya ang kauna-unahang Aboriginal person na nagwagi ng prestihiyosong Archibald Prize, isang Australian portraiture art prize for painting.
Read: Paintings of 2-year-old artist sell for PHP400K
“DANGEROUS PRECEDENT FOR CENSORSHIP AND THE STIFLING OF CREATIVE EXPRESSION”
Si Gina ang executive chairman ng Hancock Prospecting, isang privately owned mining company na itinatag ng kanyang amang si Lang Hancock.
Ang estimated net worth ni Gina ay nasa US$30.2 billion ayon sa Forbes.
Siya ang nasa unahan ng Forbes’ Australia’s 50 Richest list for 2024, batay sa ulat na inilabas nitong February 2024.
Sinikap ng Australian media na hingan ng komento ang Hancock Prospecting kung bakit gustong ipaalis ni Gina ang portrait sa kuwadro ni Vincent, pero walang ibinigay na sagot ang kumpanya.
Nagpahayag naman ng suporta kay Vincent at sa NGA ang National Association for the Visual Arts (NAVA) ng Australia.
Ayon sa executive director ng NAVA na si Penelope Benton, “While Rinehart has the right to express her opinions about the work, she does not have the authority to pressure the gallery into withdrawing the painting simply because she dislikes it.”
Nag-aalala rin ang NAVA na kapag pinagbigyan si Gina na tanggalin ang portrait nito ay baka mag-set ng “dangerous precedent for censorship and the stifling of creative expression.”
GINA, NAG-TRENDING MATAPOS MAG-REQUEST NA TANGGALIN ANG KANYANG PORTRAIT
Nag-trending naman si Gina matapos ibalita ng international media ang kanyang “unflattering portrait.”
Sa artikulo ng Guardian Australian, sinabi ng NGA na noong kumalat ang balita ay dumami bigla ang bisita ng national gallery para tingnan ang kontrobersiyal na portrait.
Tumaas din umano ang nagba-browse sa digital channels ng NGA.
Naglabas din ang Google trends ng sweeping indicator ng worldwide gain in traction ng search term na “Gina Rinehart.”

Bago sumapit ang May 15, ang petsa kung kailan nalathala ang request ni Gina na alisin ang kanyang portrait, walang may interes sa kanya.
Mayroon lang siyang zero search sa Google—o ibig sabihin ay walang sapat na search data para sa kanyang pangalan.
Pero nang kumalat na ang balita, nag-pick up ang search interest, at naging popular search sa Google ang “Gina Rinehart.”
Nag-peak pa ito noong May 17.
At hanggang sa sumunod na linggo, marami pa rin ang nagse-search—kabilang ang mga Pilipino.
Ang painting ni Gina ay nai-feature din sa iba’t ibang media outlets sa buong mundo gaya ng The New York Post, CNN Mirror UK, BBC, Hindustan Times at South China Morning Post.
Read: Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
