PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“John Wick” spotted in Thailand

John Wick, nagtitinda ng street food at naghuhugas ng pinagkainan.
by KC Cordero
Published May 30, 2024
Photos of the man who looks like John wick
Nag-viral sa social media sa Thailand ang lalaking kamukha ni John Wick, ang iconic character na ginampanan ni Keanu Reeves. Mukhang nagretiro na umano ito sa pagiging assassin at nagtitinda na lang ngayon ng streetfood. (Photos courtesy of @tuktiklife on TikTok)

Isang lalaking kamukhang-kamukha ng karakter ni Keanu Reeves sa iconic film na John Wick ang namataang nagtitinda ng street food sa Thailand.

Naging viral sa social media ang video clips ng lalaki, kaya biro ng mga netizens ay mukhang nag-retire na ang stylish assassin at tahimik nang namumuhay sa naturang Asian country,

May mga nag-isip ding baka mayroon siyang panibagong misyon doon.

John Wick look-alike selling street food
Ang lalaking kamukha ni John Wick habang nagtitinda ng street food sa Thailand. Photo courtesy of @tuktiklife on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang TikTok video na na-upload last May 25, 2024 ang may caption na: “John Wick stopped killing people and turned to selling coffee and grilled squid.”

Ang lalaking sobrang kahawig ni John Wick sa video ay makikita ring naghuhugas ng mga pinagkainan ng mga customers.

May mga kasunod pa itong videos kung saan nakaporma naman ito suot ang suit and white tie gaya ng action hero.

Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero

SINO ANG MISTERYOSONG “JOHN WICK” NG THAILAND?

Ang misteryosong John Wick ay naging overnight sensation matapos kumalat ang kanyang mga video sa iba’t ibang social-media platforms.

Hinalukay ng Thailand media kung sino ang lalaki, at kalaunan ay natuklasan ng mga reporter ang tunay nitong identity, salamat sa kanyang misis.

Ang lalaki ay isang German national.

John Wick look alike posing with a fan
May mga nagpapa-picture sa John Wick ng Thailand kapag namamasyal siya. Photo courtesy of @tuktiklife on TikTok.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumibisita lang ito ngayon sa misis na nakilala lang sa pangalang Tuk.

Sa panayam kay Tuk ng Thai TV program na Ruang Lao Sao Arthit, napansin umano niya na malaki ang pagkakahawig ng kanyang mister na si Andreas kay Keanu Reeves.

Originally, blonde ang buhok ni Andreas, at si Tuk ang nagsabi rito na pakulayan ng black ang buhok at balbas para mas maging kamukha nito si Keanu.

Pumayag naman ang kanyang mister.

Nag-click ang idea ni Tuk dahil mula noon, kahit saan sila magpunta ay may mga taong nagre-request magpapa-picture kasama si Andreas.

Sinasabi ng mga ito na hawig nga ng kanyang mister ang Hollywood superstar.

Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!

"JOHN WICK" THANKFUL SA MGA TAGA-THAILAND

Nang umuwi sina Tuk at Andreas sa family home ng babae sa Pak Chong district sa probinsiya ng Nakhon Ratchasima para magbakasyon, ganoon din ang naging reaction ng kanyang mga kababayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ginawa ni Tuk ay kinunan ng video si Andreas na nakabihis John Wick at ini-upload sa kanyang TikTok channel na tuktiklife.

Pero aniya, ang ideya na nagtatrabaho ang kanyang mister bilang street food seller ay kay Andreas mismo.

John Wick look alike cooking street food
Si Andreas, ang John Wick ng Thailand, habang abala sa paghahanda ng street food. Photo courtesy of @tuktiklife on TikTok.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa siyam na videos na ini-upload ni Tuk ay makikita si Andreas na gumagawa ng kape, nagbebenta ng inihaw na pugita, naghuhugas ng mga plato at iba pang ginamit ng mga parokyano at bumibisita sa Wat Arun ng Bangkok na nakasuot ng tradisyunal na damit ng Thailand.

Malakas ang hatak ni Andreas sa social media at bawat video ni Tuk ay nakakakuha ng milyun-milyong views—sapat para ituring ang kanyang mister na isang local celebrity.

Nang mapakanayam ng Thai media, nagpasalamat naman si Andreas sa mga kababayan ni Tuk sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Pahayag pa niya sa mga mamamahayag, “Thai people are lovely, especially my wife.”

Read: What exactly happened during Pinoy vs Thai trans women clash in Thailand?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral sa social media sa Thailand ang lalaking kamukha ni John Wick, ang iconic character na ginampanan ni Keanu Reeves. Mukhang nagretiro na umano ito sa pagiging assassin at nagtitinda na lang ngayon ng streetfood. (Photos courtesy of @tuktiklife on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results