PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Millie Bobby Brown and Jake Bongiovi are married—reports

Millie and Jake have yet to confirm their marriage.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 25, 2024
Millie Bobby Brown and Jake Bongiovi are married—reports
Stranger Things star Millie Bobby Brown (right) reportedly secretly married Jon Bon Jovi's son Jake Bongiovi (left) in a very private ceremony last weekend.
PHOTO/S: @Jake Bongiovi Instagram

Ikinasal na ang American actress na si Millie Bobby Brown, 20, sa kanyang American model boyfriend na si Jake Bongiovi, 22.

Ayon sa ulat ng American media outlets na People at The Sun, naganap ang sikretong pag-iisang dibdib ng dalawa noon pang nakaraang linggo.

Intimate daw ang kasal nina Millie at Jake na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang piling mga kaibigan.

Bahagi ng ulat ng The Sun noong May 24, 2024, "Millie and Jake quietly said their vows in America last weekend.

"It was a very low-key, romantic affair with their closest family with them as they said their vows."

Ayon pa sa nakuhang impormasyon ng The Sun, nakatakdang muling ikasal sina Millie at Jake sa U.S sa huling bahagi ng taong 2024.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon o reaksiyon sina Millie at Jake tungkol sa umano'y lihim nilang pagpapakasal.

WHO IS MILLIE AND JAKE?

Parehong kilala sina Millie at Jake dahil sa kani-kanilang propesyon at pinanggalingang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Millie ay British actress na gumanap na "Eleven" sa hit Netflix series na Stranger Things (2022), at mga pelikulang Enolo Holmes (2020), Enola Holmes 2 (2022), Godzilla vs. Kong (2021), Godzilla: King of the Monsters (2019), at Damsel (2024).

Si Jake naman ay isang kilalang modelo na anak ng American singer na si Jon Bon Jovi.

MILLIE AND JAKE RELATIONSHIP

Noong April 11, 2023, isinapubliko ni Millie na engaged na siya sa nobyong si Jake.

Ipinost noon ni Millie sa Instagram ang litrato nila ni Jake kung saan makikitang suot ng aktres ang isang diamond ring.

Mababasa sa caption ng British actress (published as is): "I've loved you three summers now, honey, I want 'em all [heart emoji]."

Ito'y hango sa verse ng kanta ni Taylor Swift na "Lover."

millie bobby brown jake bongiovi
Photo/s: @milliebobbybrown on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya at proud ding ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram ang litrato nila ni Millie.

Sa unang litrato, makikitang nakayakap siya sa aktres habang sila'y nasa tabing-dagat kung saan umano nangyari ang kanyang proposal.

Sabi niya sa caption, "Forever [heart emoji]."

Read: Stranger Things star Millie Bobby Brown engaged to Jon Bon Jovi's son

Sa ulat ng French magazine na Elle, June 2021 nang unang makumpirmang may espesyal na namamagitan sa dalawa matapos silang maispatang magka-holding hands sa New York City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stranger Things star Millie Bobby Brown (right) reportedly secretly married Jon Bon Jovi's son Jake Bongiovi (left) in a very private ceremony last weekend.
PHOTO/S: @Jake Bongiovi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results