Hindi lamang inspirational speech mula sa guest speaker ang natanggap ng mga college graduates sa kanilang graduation.
May cash gift din!
Bawat isa sa 1,200 graduates ng University of Massachusetts Dartmouth sa U.S. ay pinagkalooban ng tig-$1,000 o PHP57,000 ng guest speaker.
Ang nagregalo ay si Robert Hale Jr., ang speaker sa commencement exercises ng university na ginanap noong May 16, 2024.
Si Robert ay founder and CEO ng wholesale telecommunications provider, Granite Telecommunications, na itinayo noong 2002, less than six months matapos niyang mag-file ng bankruptcy para sa kanyang previous business.
Ayon sa Forbes, siya ay may net worth na $5.4 billion.

It was raining when businessman and billionaire Robert Hale Jr. delivered his speech at the University of Massachusetts Darthmouth commencement exercises last May 16, 2024.
Read: Quintuplets graduate together with different degrees
BILLIONAIRE GUEST SPEAKER GIVES CASH GIFT
Umuulan habang nagkukuwento si Robert tungkol sa kanyang success story.
Inalala niya ang panahong nawalan siya ng $1 billion (PHP57B) sa halos isang iglap lamang.
Pero sa kabila ng malaking kabiguan na iyon ay hindi siya sumuko, nagtiyaga siya, at nagtagumpay sa kanyang telecommunications business.
Ayon sa press release ng campus, isa sa payo niya sa graduates ay: “not to let failure define them, using his own life as an example of resilience and perseverance."
Tinapos ni Robert ang kanyang speech with a "gift of giving," na ayon sa kanya, ay isa sa “greatest joys” na naranasan niya at ng asawang si Karen.
Sabi niya sa 1,2000 graduates, “Each of you is getting $1,000 cash.”
Nagsigawan sa saya ang mga graduates.
Read: Cancer patient holds "funeral" while still alive
Mistulang umulan ng dolyar sa venue dahil inakyat ni Robert sa entablado ang dalawang duffel bags na puno ng envelopes na may lamang cash.
Pero may catch.
Dito sinabi ni Robert na kalahati lamang ng cash gift ang mapupunta sa estudyante, dahil ang $500 (PHP28,000) ay mapupunta sa taong nangangailangan o isang cause na malapit sa puso ng estudyante.
Sabi ni Robert, "We want to give you two gifts. The first is our gift to you, the second is the gift of giving.”
Ang mga envelopes ay “customized” ng mga elementary students na sinulatan ng “gift” ang isa at “give” naman ang isang envelope.
Sabi ng billionaire, “These trying times have heightened the need for sharing, caring and giving. Our community and our world need our help now more than ever.”
