PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japan airport, zero luggage lost record in 30-year history

It's the Kansai International Airport.
by Bernie V. Franco
Published May 10, 2024
Kansai Airport and Kansai airport concierge as inset
Kansai International Airport in Japan is known for its efficient operations, particularly in baggage handling.
PHOTO/S: Kansai Airport website

Bangungot para sa kahit sinumang airport passenger ang mawalan ng luggage o bagahe sa airport.

Pero ibahin ang Kansai International Airport sa Japan na may magandang reputasyon dahil ni minsan ay walang naiulat na nawawalang luggage dito.

Kaya sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng airport—na pangunahing paliraparan isa mga siyudad ng Osaka, Kobe, at Kyoto—isa sa binanggit na milestones ay ang no lost luggage throughout its existence.

Nagsimulang mag-operate noong September 1994, ginawang priority ng Kansai International Airport ang maayos at maingat na baggage handling.

Pero paano ito nami-maintain ng airport ang magandang reputasyon nito?

Sinabi ng airport spokesperson na si Kenji Takanishi sa Newsweek na “nothing special," pero base sa paglalarawan ng kanilang ginagawa, makikita na meron silang sistema.

At inamin ni Kenji na istrikto sila sa pagsunod sa sistemang ito para ma-handle ang mga bagahe nang maayos at masigurong maibalik sa may-ari o maihatid sa destinasyon ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kansai staffer wrapping a luggage

A Kansai Airport staff member carefully wrapping a luggage for protection

Read: Japan Airlines cabin crew praised for "flawless" evacuation of 379 passengers from burning plane

Ang bawat team na nakatoka ay binubuo lamang ng dalawa o tatlong staff members para kaunti lamang ang hahawak sa bawat bagahe, ulat ng Newsweek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroong detalyadong manual na sinusunod ang staff pagdating sa pag-load at pag-unload ng bawat cargo ng mga airlines na sineserbisyuhan ng Kansai International Airport.

Required sa mga tauhan ng airport na magkaroon ng close corodination para updated silang lahat sa takbo ng baggage handling.

Pagdating ng luggage, dapat tugma ang bilang nito na nasa listahan.

Otherwise, iinspeksiyunin agad ng staff ang cargo hold at paligid nito kung sakaling may na-misplace na luggage.

Mula sa pag-landing ng eroplano sa Kansai airport, ang goal ng airport staff na mailipat ang mga luggage mula sa cargo hold sa baggage claim sa loob ng 15 minutes.

Nakalabas din ang handles ng luggage kapag inilalagay nila sa conveyor belt para madaling mahatak ng mga pasahero, ani Takanishi.

Kapag umulan, pinupunasan nila ang mga nabasang luggage bago ilagay sa carousel.

Personal naman nilang iniaabot sa pasahero ang mga kagamitang tulad ng strollers at sports equipment para matiyak na hindi sira ang mga ito habang nasa biyahe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umaabot sa 30 million passengers at 11 million luggage kada taon ang pinagsisilbihan ng Kansai airport, ayon kay Takanishi.

Inaasahan nilang lolobo ang bilang na ito next year dahil sa Osaka gaganapin ang Expo 2025, isang malaking international fair.

Sinabi rin ni Takanishi sa interview na sinisikap nilang maging magalang sa mga pasaherong nanggagaling sa iba’t ibang lugar.

At dahil sa pagsunod nila sa sistema at pagmamalasakit sa gamit ng mga pasahero, maraming beses nang kinilala ng United Kingdom aviation website na SkyTrax ang Kansai bilang isa sa “world’s best airports” pagdating sa mga serbisyo at staff, lalo na pagdating sa baggage handling.

Read: Coast guard plane on third rescue mission to quake zone when it clashed with JAL plane

KANSAI IS SLOWLY SINKING

Sa kabila ng pagkilalang ito, may kinakaharap na malaking problema ang Kansai.

Itinayo kasi ang airport sa dalawang artificial islands sa Osaka Bay.

From 1994, 38 feet na ang lalim ng paglubog nito na ikinababahala ng mga opisyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan itong lulubog pa ng 13 feet pagdating ng 2050.

Maraming beses na rin itong binaha kapag bumabagyo, at milyun-milyong halaga na ang nagagastos para mapangalagaan ito mula sa nakapalibot na dagat.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kansai International Airport in Japan is known for its efficient operations, particularly in baggage handling.
PHOTO/S: Kansai Airport website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results