Natatandaan niyo pa ba ang guwapong modelo na nahagip ng mga camera sa background nina Kylie Jenner at Jennie Kim ng BLACKPINK sa Met Gala 2023?
Unfortunately, hindi niyo siya makikita sa Met Gala 2024 na magaganap ngayong Mayo 6, 2024 (U.S. time).
Ibinunyag ng modelo na tinanggal daw siya sa star-studded fashion event this year dahil sa pagiging agaw-eksena niya last year.
Ang Met Gala o Met Fashion ay isang annual fund-raising event na dinadaluhan ng mga malalaking international celebrities, at ginaganap sa Metropolitan Museum of Art sa Manhattan, USA.
Noong 2022 at 2023, isa ang guwapong modelo sa mga models and greeters sa fashion event.
Read: View of Mount Fuji will soon be blocked for tourists, why?
ITALIAN MODEL REVEALS WHY HE WAS FIRED
Ang guwapong modelo ay ang Italian na si Eugenio Casnighi, 26.
Noong 2021 ay pumunta siya sa New York para subukan ang kapalaran sa modeling industry.
Sa pamamagitan ng TikTok video, ibinunyag ni Eugenio kung bakit pinatalsik siya sa Met Gala ngayong 2024.
“I just got fired from the MET Gala,” caption niya sa ipinost na video nitong May 3, 2024.
At press time, ang kanyang video ay nakakuha na ng 2.7 million views.
Aniya, bawal silang magsalita tungkol sa Met Gala dahil meron silang pinipirmahang Non-Disclosure Agreement (NDA).
“It’s funny enough they fired me. So, I can say whatever I want now,” sabi niya.

Read: VIRAL: Baby dangling from roof of second-floor unit
“I’ve been working for the Met Gala as a model and greeter [since] 2022, 2023.
“And I was supposed to do it this year…”
Pero noong Biyernes daw ay pinadalhan siya ng email na nagsasabing tanggal na siya sa event.
“And the Met Gala is on Monday and they let me know today that they cut me off. They fired me because I went viral last year,” diin ni Eugenio.
Sabi pa raw sa kanya, “They said, ‘You made it about yourself, so we can’t have you work there anymore. So, I’m sorry you got like laid off, fired, whatever you call it…”
EUGENIO GOES VIRAL OVER KYLIE JENNER, JENNIE KIM
Dahil second-timer na sa Met Gala, ikinuwento ni Eugenio ang proseso para sa mga tulad niyang model and greeter.
Noong 2023 ay in-assign siya kay Kylie Jenner. Makikita nga si Eugenio na inaayos pa ang trail ng gown ni Kylie sa red carpet.
Para sa kanya, nakakatawa raw ang nangyari dahil kinukuha ang mga tulad niyang modelo para magtrabaho sa red carpet.
Nag-viral din siya sa video interview ng isang fashion magazine kay Jennie Kim. Sa background ay kita si Eugenio na hawak ang white trail ng isang gown.
Ni-repost ang video pero ang focus ng mga netizens ay nasa guwapong si Eugene at hindi ang interview kay Jennie.


Sinabi ni Eugenio na maraming mga companies ang nakikipag-collaborate sa Met Gala.
Dagdag niya, gusto nga raw ng company na kumuha sa kanya na mapansin ang mga tao nito, gaya niya.
“They literally told me, ‘We picked you because we like you more than other people to be with this celebrity,’” kuwento ni Eugenio.
Diin niya, hindi niya kasalanan kung mas mapansin siya sa social media kesa sa celebrities na inaasikaso niya sa event.
“People took pictures of the actual celebrity, not me… like Kylie Jenner and I was next to her. Of course, I ended up in the picture.
“And they blamed me. They said, ‘You made it about yourself, so we don’t wanna work with you anymore.’”
Read: Jannah Chua of EXpecially For You looks like Bae Suzy
HIRED AND THEN FIRED
Sa kanyang follow-up video nitong Sabado, May 4, sinabi ni Eugenio na last minute ang pagtanggal sa kanya.
Last April ay sinabihan na siyang makakapagtrabaho siyang muli sa event. Ito sana ang third time niya sa Met Gala.
“I’m disappointed. I’m not upset. I think it’s so funny, and I want to share that,” sabi niya.
Ipinakita ni Eugenio ang email na natanggap niya noong April 15 kung saan sinabing part siya ulit ng Met Gala 2024.
At noong ngang Biyernes ay nakatanggap siya ng email na tanggal na siya.
Bahagi ng email, “Last year we had several mishaps during and after the MET gala.”
Mababasa sa email na kailangan niyang pumirma ng NDA na nagbabawal na mag-video o mag-picture kasama ang guests sa venue during and after ng event.
Pinagbabawalan din ang pagre-repost ng mga larawan na kasama siya na kuha ng iba.

Katuwiran ng modelo, alam nilang lahat ito.
“Actually, they take your phone during this job.”
Wala raw siyang sariling kuha sa event at ang mga larawan niya ay kuha ng ibang tao.
At ang mga kuha niya ang mga ni-repost niya.
Sabi niya, “That’s my right as a human, but apparently not anymore, because they said that you agree on not sharing, reposting any of the content on any of your social platforms, even if you appear in it.”
Ang ibang tao raw ay puwedeng mag-post ng larawan niya—nanay, pinsan, kahit na aso—pero hindi siya.
“I cannot put [these pictures] in my stories,” himutok niya.
Pero okay lang naman daw siya.
Bilang isang modelo, hindi na raw bago sa kanya ang rejections. Halos araw-araw raw ay bumabagsak siya sa mga casting calls.
Hindi raw niya maiwasang matawa sa Met Gala dahil last minute ang pagtanggal sa kanya.
