PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

View of Mount Fuji will soon be blocked for tourists, why?

No more photos with Mount Fuji as backdrop?
by Bernie V. Franco
Published May 6, 2024
Lawson and Mount Fuji
The view of Mount Fuji from the town of Fujikawaguchiko will soon be blocked due to ill-mannered tourists.
PHOTO/S: YouTube (Firstpost)

Nagpaplano ka bang pumunta sa Japan at isa sa mga balak mong bisitahin ay ang Mount Fuji?

Teka, baka hindi ka makapagpa-picture sa famous landmark na ito ng Japan.

Sinimulan na kasi ang paglalagay ng mesh net para takpan ang view ng tallest mountain na matatagpuan sa Fujikawaguchiko town.

Sa bayan na ito nagpupunta ang mga turista para masilayan at makapagpa-picture sa Mt. Fuji.

Pero marami na kasing kaso ng pasaway na mga turista sa lugar, so ang solusyon ng local government ay magtayo ng 2.5 meters (8 feet) at 20 meters na harang sa view ng bundok, ulat ng AFP.

Inaasahang makukumpleto ang harang sa kalagitnaan ng Mayo ngayong taon.

Read: Story of Jerieh, bride who became widow after wedding day

ILL-MANNERED TOURISTS OF MOUNT FUJI

Pagdating ng mga turista sa Fujikawaguchiko, pupuwesto sila sa tapat ng isang convenience store dahil sa likod nito ay kitang-kita ang Mt. Fuji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagama’t expected ng locals ang mga turista, inirereklamo nila ang mga dayuhang pasaway.

Marami ang walang pakundangang tumatawid sa busy street at hindi sumusunod sa traffic lights, nagkakalat, nagte-trespass, nagpa-park nang ilegal, at nagsisigarilyo sa non-smoking areas.

Himutok ng isang dentista sa area, "It became not uncommon for people to yell at us when we asked them to move their cars, and for them to throw their lit cigarettes [on the ground].”

Walang duda na sikat ngayon ang Japan bilang isa sa top countries na gustong bisitahin ng mga turista.

Sa katunayan, problema ngayon ng Asian country na ito ang overtourism o sobrang dagsa ng mga turista, lalo na sa Kyoto at Mt. Fuji.

Dito kasi nagpapa-picture ang mga dayuhan para mai-post sa social media.

Pahayag ng isang opisyal sa Fujikawaguchiko, hindi naman sa ipinagdadamot nilang makita ng mga turista ang Mt. Fuji, pero ang isyu ay napakarami sa kanila ang hindi sumusunod sa basic rules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Policeman reunites with abandoned baby he rescued 23 years ago

BLOCKING MOUNT FUJI VIEW, UNFORTUNATE BUT NECESSARY

Naniniwala naman ang mga residente na bagamat nakalulungkot ang pagtatayo ng harang, para ito sa ikabubuti ng marami.

"We welcome foreigners for the revitalisation of the community, but there are so many violations of basic manners, like crossing the road, dumping garbage, and trespassing into people's properties," sabi ng isang senior citizen sa interview ng AFP.

May ilan pang interviewees ang nalulungkot sa pagtatayo ng net, pero kailangan may gawing aksiyon sa pasaway na mga turista.

May ilang turista naman ang nauunawaan ang hinaing ng local town, pero sana raw ay mag-designate sila ng lugar para sa photo op.

Meron namang humirit na baka lalo lang mapasama ang sitwasyon dahil may mga dayuhan na magpupumilit pa ring makakuha ng larawan ng Mt. Fuji.

Payo ng isang residente, marami pa namang magagandang lugar sa bayan na maaaring magpa-picture at hindi lang Mt. Fuji.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The view of Mount Fuji from the town of Fujikawaguchiko will soon be blocked due to ill-mannered tourists.
PHOTO/S: YouTube (Firstpost)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results